Chapter Fourteen: Who's that girl?

25 1 0
                                    


Claire's POV

"Aray!" sigaw ng isang babae. Hindi naman siya parang bata, parang ka-age ko na din yung boses niya.

Lumingon ako patalikod para tingnan kung sino yun. Who's this?

"Sorry, Miss." natamaan ko pala ng buhok ko yung mukha niya at natusok yung mata niya.

"Ate?" sabi niya na medyo maluha-luha. Hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. Dahil ba sa sakit ng pagtama ng buhok ko sa kanya o ano? Parang nanlambot ang puso ko nung tinawag niya akong 'Ate'.

"Huh? Do I know you?" naguguluhan kong tanong.

"Ate! Ako 'to si Tracy. Kapatid mo ako ate. Tracy Queen M. Gonzales ." anong pinagsasasabi nito? Kapatid ko siya? Hindi ko nga siya kilala e tapos sasabihin niyang magkapatid kami?

"Tracy? Gonzales? Sorry, miss. Baka magka-apelyido lang tayo. Sorry but hindi talaga kita kilala e. I'll go ahead." diretso kong sabi sa kanya.

Naaawa ako dun sa batang 'yon. Pero, naguguluhan pa din ako bakit niya akong tinawag na 'Ate'. At, paano niya nasabi na 'magkapatid' kami?

Sumakay na ako sa kotse, at pinaandar ito ng mabilis. Nararamdaman kong alam 'to nila mama, hindi lang nila sinasabi. Tss.

**

Nandito na ako sa bahay at agad tinawag si Mom. Wala pa si Dad dahil mamayang 10:00 pa yun dadating. Tss. Lagi na lang trabaho -_-

"Mom!" -Claire

Walang sumagot, baka nasa kwarto yun. Nagbabasa na naman ng wattpad.

*knock**knock*

"Come in!" -Mom

Pumasok ako at agad umupo doon sa kama ni Mama.

"Ma, may nililihim po ba kayo sa akin?!"

"What do you mean anak? Wala kaming nililihim sayo."

"Anong wala ma? Totoo ba 'yang pinagsasasabi mo?"

"Oo naman anak. I'm not lying !"

"Ako lang ba talaga ang anak niyo ni Dad?!"

"Ahh-ehh- o-oo naman !"

"Bakit ka nauutal? Nararamdaman ko talagang meron ma eh ! Sabihin niyo na po please!"

"Oo na ! Meron kaming nililihim sa'yo! Matagal na itong lihim na hindi namin sinasabi sa'yo ng Dad mo!"

Hindi ko namalayan na halos basang basa na ang mukha dahil sa bwisit na luha na 'to.

-FLASHBACK -

Claire's Dad POV

Bata pa lang ako, balak ko na talagang makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa nakatapos nga ako at nag asawa ako kaagad. Masyado akong padalos-dalos. Pangalawang asawa ko ang nanay ngayon ni Claire. Hiniwalayan ko ang una kong asawa dahil hindi niya ako mabigyan ng anak. At, napakatamad niya. Halos lahat ng galaw ko ay kontrolado niya. Pati ang pagpili ng trabaho. Kaya, hiniwalayan ko siya at naghanap ng iba. At, yun nga. Naging asawa ko si Jasmine at ganun din ang nangyari. Hindi niya ako mabigyan ng anak. Hihiwalayan ko na sana siya nang sabihin niya sa akin na mag-ampon na lang daw kami. Pumayag naman ako agad, gusto ko lang talaga magkaroon ng anak.
Hanggang sa natagpuan namin doon si Claire na masayang nakikipag laro sa kapwa niya bata. Sinabi namin doon sa sister na aampunin nga namin si Claire at bubuhayin ng maayos. Hindi namin sinabi sa kanya na ampon lamang siya dahil masyado pa siyang bata. Kinuha ko ang anak ko kay Jasmine pero, naagaw ulit siya ni Jasmine. Tracy Gonzales ang pangalan niya. At Thalia Gonzales naman ang kay Monica. Naging mahirap para sa akin na buhayin ang dalawa kong anak. At iba pa ang kanilang kinikilalang nanay.

-End of Flashback -

"Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin 'to mama?!"

"Mahirap anak. Kailangan sa tamang panahon na lang."

"ITO NA NGA ANG TAMANG PANAHON MA ! LALAYAS NA LANG AKO DITO SA BAHAY NA 'TO DAHIL HINDI NIYO NAMAN AKONG TOTOONG ANAK E!"

Agad na akong lumabas ng kwarto at nag ayos ng gamit. Lumabas na ako ng bahay nang maisip ko na san nga pala ako didiretso or titira?

Ah! Alam ko na! Sa bahay na lang ni Jillian. Malapit lang naman ang village nila sa village ko.

Naglalakad ako nang may humarang na tatlong gagong lalaki at dapat na isasakay na ako sa van pero hindi natuloy. Dahil tinulungan ako ni? Ni Elijah?! My God. Thanks Lord.

"Elijah! Tama na yan please!" ayaw niyang umawat sa pagsusuntok doon sa isang lalaki. Nakatakas na kasi yung dalawa.

Tumigil na si Elijah at niyakap ako ng napakahigpit.

"Elijah, bitawan mo na ako. Pupuntahan ko pa si Jillian."

"Bakit may dala kang maleta? Aalis ka ba?"

"Lumayas ako. K? Kaya kila Jillian muna ako tutuloy."

"Let's go home."

"Huh?"

"You'll stay in my house!"

~~~~

END OF CHAPTER 13!! HOPE YOU LIKED IT. THANKSSSSS. FOLLOW ME ON TWITTER: @raleynzaltz 

I'll followback. ❤❤

BE A FAN

COMMENT

VOTE

THANK YOUUU!!!!


Friends Or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon