Chapter Twenty-Nine

12 1 0
                                    


Drake's POV

Matatapos na ang school year, hindi pa rin bati ang mga girls. Dapat ako na lang ang gumawa ng paraan. Kakausapin ko ang boys para magka bati bati na sila. I seset up namin sila. Sabihin ko kaya kay Jillian ko, o wag na? Hmm. Wag na lang siguro para surprise. Bukas ko gagawin ang plano. Tutal sabado ngayon, pwede ako tulungan ng tatlo.

To: Jake Madrigal, Elijah Gonzaga

DrakieeeV: Bro, tulungan niyo naman ako. Punta kayo dito sa bahay ngayon bilis. (sent 12:37 pm)

Jakeey._Madrigal: Saan bro? Ano na naman yan? (sent 12:37 pm)

DrakieeeV: About sa girls bro. (sent 12:39 pm)

E. Gonzaga: sige pre, maliligo lang ako tapos punta na ako diyan. (sent 12:40 pm)

Jakeey._Madrigal: sige ako din. (sent 12:40 pm)

Thomas_4: okay bro. (sent 12:41 pm)

Mabuti naman at pumayag ang tatlo. May naisip na rin akong plano.
Pagkatapos ng ilang oras dumating din ang tatlo.

"Dudeee!" Bati ng tatlo.

"So ano na bro?" Tanong ni Thomas.

"Gusto ko lang sana pagbatiin yung girls kasi diba magtatapos na rin yung school year so yeah. Tutulungan niyo ba ako?"

"Sige ba basta para sa girls bro." sabay ngisi ni Elijah.

Buti naman tutulungan nila ako, yes!!

~~~~~~~~~~~~~~~

Jillian's POV

Hays.. Malapit na matapos ang school year pero hindi pa rin nagkaka ayos ang grupo. Ano bang pwede kong gawin? Ayoko na ng gulo gusto ko ng tapusin to. Pero paano ko to aayusin? Ako na lang ang mag fifirst move. Kakausapin ko na sila mamaya. Dapat magka ayos na kami ngayong linggo. Hindi ko na to papalampasin. Nakaligo na ako at nag ayos na.

Biglang nag vibrate ang phone ko.

From Drake:

Hi. I'm on my way na ha 😊 you promised me na aalis tayo 😊 see you 😘

Oh geez, oo nga pala. Nakalimutan ko! Ughhh. Paano ba to, no choice ako ugh. Pagkatapos ng ilang minuto dumating si Drake.

"Hey let's go." sabay ngisi ng loko. Saan ba kami pupunta at parang ang saya nito.

"Drakieee saan tayo pupunta?"

"Basta surprise eh."

"Siguraduhin mong magugustuhan ko ah." Sabay ngiti ko sakanya.

Huminto kasi sa isang lugar na hindi ko alam kung saan..

"Saglit lang ah mag cr lang ako. Ikaw ba mag ccr ka?"

"Hmm sige."

Tahimik kaming naglakad patungong cr at pumasok na ako sa girls cr at siya naman sa boys.

~~~~~~~~~~~~~~

Drake's POV

"Hello Elijah oh nasan na kayo?"

"Andito na kami sa kabilang side para hindi makita yung kotse niyo."

"Oh sige sige. Nandito na din kami nag cr lang kami. Sige bye."

-

"Drake nandito kami sa right side, nasa left daw sila Elijah kasama ko si Thomas dito.."

"Sige nag cr lang kami papunta na ako. Bye"

~~~~

Lumabas na ko ng cr at sakto lumabas na rin si Jillian.

"Tara Jill."

Dumating kami sa kotse at nilagyan ko siya ng blind fold.

"Ano ba to Drakieee saan ba tayo? Wala akong makita huhu."

"Saglit lang Jill. Surprise."

"Wag ka maingay wag ka magsalita ah." sabi ko sakanya.

Dumating kami sa pwesto kung saan ang napag usapan.

Inupo ko si Jillian. Sumunod na dumating sila Elijah at ganun din ang ginawa kay Claire.

At ang huli si Jake at Thomas. Inupo nila si Shaine at Cassandra.

We started to remove the blind fold and yeah they were shocked.

"Iwan na muna namin kayo." Sabi ko sabay alis naming apat.

~~~~~~~~~~~~~

Jillian's POV

Nagulat ako dahil kumpleto kaming apat. I am very thankful kay Drake.

Walang umiimik sa amin ni isa kaya ako na ang magsasalita.

"Bes, sorry na. Sana magka ayos na tayo. Ano, dun na lang ba matatapos yung ilang taong pagkakaibigan natin? Sana naman hindi. Mga bes sana magka ayos ayos na tayo please. Ang hirap kasi na ganito tayo. Nasanay ako na palagi tayong magkasama at nag uusap."

Friends Or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon