Claire's POVNandito na ako sa village nila Elijah. Pumunta ako sa sakayan ng tricycle papunta sa bahay nila kasi medyo malayo ang bahay nila sa main gate ng village nila.
"Kuya, Gonzaga Residence po." Sabi ko sa driver at tsaka sumakay sa loob.
After 10 minutes......
"Kuya, doon na lang po sa may green gate." Huminto ang tricycle sa tapat ng bahay nila Elijah at nagbayad na din ako.
Pinindot ko ang doorbell at bumungad naman sa akin ang isa sa mga maid ni Elijah.
"Si Elijah po?"
"Nasa loob po siya Ma'am. Kanina pa po hindi lumalabas ng kwarto niya ehh. Ayaw niya din po kumain at uminom ng gamot. Ikaw lang daw po magpapainom sa kanya ng gamot at tsaka magpapakain." Paliwanag ni Ate.
Napangiti ako ng wala sa oras. Kinilig lang ako. Mehehehe.
"Sige po Ate. Pupuntahan ko na po siya." At pumasok na ako sa bahay nila at tumungo sa kwarto ni Elijah.
Tok.tok.tok
"Come in." Narinig kong sabi ni Elijah sa loob.
Pinihit ko ang doorknob at tsaka binuksan ang pinto.
Nagulat ako sa nakita ko kasi balot na balot si Elijah ng makapal na kumot at nakita kong naka jacket pa siya. Nanginginig siya sa sobrang lamig.
Jusko, paano ba naman kasi, naka high cool ang aircon tapos bukas pa electric fan. Loko loko din 'to eh.
Nilapitan ko siya agad at inasikaso. Mission ko 'to ngayong araw. Kahit medyo late na ako umuwi si bahay, gumaling lang si Elijah.
"Claire." Tawag sa akin ni Elijah.
"Ano bang pinaggagawa mo?! 'Yan tuloy nagkasakit ka ng todo! Alagaan mo ang sarili mo!" Sermon ko sa kanya. Ayy? Nasigawan ko na pala siya.
"T-thanks." He said.
"For what?" I asked.
"Dahil nandito ka. Inaalagaan mo ako kahit alam kong hindi pa tayo, friends lang tayo. Pero ganyan ka mag-care sa akin. Kinikilig ako. Hihihi." He answered.
Ha?! Bakla ata 'to ehh. Siya kinikilig?! Omg.
"Welcome." I said.
Nilapat ko ang palad ko sa noo niya at jusko! Napakainit niya. Ang taas pa ng lagnat niya.
"Saglit lang ah, may kukunin lang ako sa baba."
Lumabas ako ng kwarto at kumuha ng bimpo na may maligamgam na tubig para punasan siya.
"Manang, pahingi pong bimpo at maligamgam na tubig. Palagay na lang po sa maliit na planggana."
"Sige po Ma'am. Saglit lang po."
Inantay ko si Manang na kumuha ng pinapakuha ko at naglibot muna sa bahay nila.
Nakita ko ang mga picture frames, sa lahat ng picture niya, wala siyang kasama na mother. nasaan?
Maglilibot pa sana ako ng tawagin na ako ni Manang.
"Ma'am, eto na po yung pinapakuha niyo." Sabay bigay sa akin ang tubig at bimpo.
"Salamat po Manang."
Umakyat na ako sa kwarto ni Elijah at pinunasan na siya gamit ang bimpo at tubig.
Habang pinupunasan ko si Elijah, biglang nag-ring ang phone ko.
"Hello?" -Me.
"Claire, kasama namin ngayon si Shaine." -Jillian.
Jillian? Diba si Jillian ang galit na galit dahil sa ginawa ni Shaine? At siya pa ngayon ang may gana na sabihin na kasama nila si Shaine?
"What? Where? Why?" Sunod-sunod na tanong ko kay Jillian.
"Bes, kailangan ka namin dito. Kailangan nandidito tayong lahat para sa problemang ito." sagot ni Jillian.
"Ok bes. I'll try." Sabi ko.
And i ended the call para subukang magpaalam kay Elijah. Syempre mas uunahin ko ang aking mga kaibigan.
"Elijah, sorry but I have to go."
"Why? Saan ka pupunta?" He asked.
"Sa coffee shop. Kikitain ko doon sila Jillian. Meron kaming pag uusapan." I explained.
"Okay." He replied.
Aalis na sana ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko.
"Why?" I asked.
"Thank You."
"Welcome. Kailangan ko na talaga umalis. Sorry bye." Pagmamadali kong pamamaalam.
Lumabas na ako ng bahay at nag-antay ng tricycle.
After 5-10 minutes
WALA PA DIN TRICYCLE! Wala ako nagawa kundi lakarin mula bahay nina Elijah hanggang sa gate. Jusko -_-
Nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad ng may humintong tricycle sa gilid ko.
"Ma'am saan po kayo?" Tanong sa akin ni Manong Driver.
"Yung coffee shop po malapit sa Montenegro University." I answered.
"Sige po. Magkano po ang bayad niyo papunta doon?"
"50 pesos po Kuya."
"Sige po. Sakay na."
Sumakay na ako sa tricycle at habang bumabiyahe ay nakatanggap ako ng isang message.
From: Elijah
Claire, nakasakay ka na ba ng tricycle?
~~
To: Elijah
Yup. Why?
~~
From: Elijah
Pinatawag ko yang tricycle na yan because nahalata kong nagmamadali ka eh bihira lang naman may dumaan na tricycle dito kasi looban na 'to eh.
~~
To: Elijah
Ohhh, okay. Thank you. Take care.
~~~~
END OF CHAPTER 28 :)

BINABASA MO ANG
Friends Or Lovers?
Ficção AdolescenteMarami ang nagmamahalan sa storyang ito, magmamahalan pa kaya sila hanggang sa huli? Tunghayan ang lovestories nina Jillian,Shaine,Claire at Cassandra. Ang mga babaeng minsan ay umibig, at minsan ding tinanong ang kani-kanilang boyfriends "are we fr...