Wifey 2- First Meeting: Epic

74K 1K 52
                                    

Wifey 02 --- First Meeting: Epic

"Huh? Philippines na?"

 

Nilingon ko ang katabi kong si Zet na nakapikit pa ang isang mata habang patuloy na pinapakinggang ang sinasabi ng F.A ng plane na sinasakyan namin. Umayos na ito ng upo.

 

"San tayo magstay dito?" tanong naman ni Eula na kakatapos lang magretouch. Naalala ko yung sinabi ni Tanda na may sariling bahay sa loob ng Y.A ang mga estudyanteng nag-aaral dun. Ibigsabihin dun na ang diretso namin. Boarding school-type kasi ang Yoshima Acdemy.

 

"Y.A na tayo," sagot ko sakanya.

 ***

Nasa tapat na kami ng mansion ng Yoshima’s Empire. Dito ako tumira noong nasa Pilipinas pa kami dalawang taon na ang nakararaan at ngayon babalikan lang namin ang mansyon hindi para tumira dito kun'di para kunin ang sasakyan na itinago namin dito. Well, actually, hindi naman talaga sasakyan gagamitin ko para hindi hassle.. malay mo may traffic diba? Motor lang ako.

“BABY RED MCLAREN! Namiss kita." Wala sa loob na nilingon ko ang babaeng nakayakap sa side mirror ng dati nyang sasakyan. Nilingon ko naman si Eula na prente ng nakaupo sa loob ng Diavlo nya kaya naman agad kong pinuntahan ang baby ko..

“Corse..”

“Naku maiiyak pa yan at nakita na niya ang baby Ducati niya. Eh mas maganda pa diyan yung motor mo sa Japan ah, bakit kasi hindi mo na lang ipadala yun dito?” sabad ni Eula na mukhang ready na umalis.

“Oo nga naman Max, mas bago yung andun, ipadala mo na lang. Baka wala na sa kundisyon yang Ducati mo e,” pangagagatong pa ni Zet na kanina lang ay iniiyakan ang Mc Laren niya.

“Eh bakit hindi niyo na lang din ipadala dito yung mga sasakyan niyo? Malay niyo wala na rin sa kundisyon yang mga sasakyan niyo sa tagal na naiwan niyan dito sa Pilipinas,” badtrip kong entrada.

Nagkatinginan naman silang dalawa sabay yakap sa mga sasakyan nila. Akala mo naman may aagaw nun. May care taker ang mansion ni tanda kaya alaga pa rin itong mga sasakyan na iniwan namin dito. Tinitigan ako ng dalawa at base sa tinginan at tanguan nilang dalawa alam ko na ang ibigsabihin nyan. Magpapakundisyon.

***

*BROOM* *BROOM* *BROOM*

Kanina pa nag-iinit ang kamay ko sa manibela ni Corse at halata namang kating-kati na rin ang dalawa sa pagtapak sa silinyador ng sasakyan nila. Ibinigay ko na ang direksyon ng Yoshima Academy kung saan iyon ang magsisilbing finish line namin. Ilang sandal lang..

“ON OUR MARK. READY. SET. GO!” sigaw ni Zet na may dalang megaphone. Hindi ko alam kung san niya yan nakuha. Humarurot na ang dalawa habang nagpaiwan naman ako.

Pinauna ko na yung dalawa tutal pag nagtraffic na siguradong mapag-iiwanan na sila. Just wanna be fair.

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon