WIFEY 36: Supposed To Be
MAX’S POV
“Sama mo sina Eula at Zet, ihahanda ko lang yung sasakyan. Sumunod na lang kayo” tumango ako sa sinabi ni Steve. Ngumiti naman sya at hinalikan ako sa pisngi bago lumabas ng room. Nagpaiwan na rin ako dahil inaantay ko pa si Eula na nagpaalam papuntang wash room habang si Zet naman ay nautusan ng isang teacher.
“Oh Eula, sama muna kayo samin” bungad ko sakanya nang makitang papasok na sya ng room. Umiling sya habang direstong naglalakad papunta sa upuan nya.
“Nakita mo Max yung bag ko?”
“Nasa kotse, pinadala ko na kay Steve”
“PATI SAKIN?!” gulat at malakas na sigaw ni Zet na nakatayo na pala sa tapat ng upuan nya. Tumango-tango ako sa tanong nya kaya naman nakunot ang noo nya at nagdadabog doon.
“Anong drama yan bunso?”
“I need my bag Dono. Aalis pa ako”
“Saan ka pupunta?”
Natigilan sya sa tanong ko na para bang nag-iisip kung sasabihin nya ang nasa isip nya o tatakas na lang bigla para makaiwas sa tanong. Nagpalinga-linga sya sa paligid na para bang may hinahanap.
“*sigh* hahanapin ko si Jason. Hindi ko na pwedeng patagalin 'tong false sakit na alam nya” natataranta at nag-aalalang litanya nya. Inirapan ko sya saka nagsimulang maglakad na papalabas ng pinto.
“Sumunod kayo sakin at doon natin yan pag-usapan” nagtinginan silang dalawa and both let out a huge sigh sign of defeat.
Nakita ko namang sumunod na silang dalawa sakin. Dumiretso kami sa likod ng school kung nasaan ang secret na daanan namin papalabas ng Y.A. and there I found Steve’s car patiently waiting for us. Nakasandal lang sya sa hood ng sasakyan na agad kumaway nang makita kami.
Sumakay na kami sa sasakyan at headed mall. It is really unusual na maraming tao ngayon dito dahil school days pa pero kung sabagay, malapit na kasi ang Valentine’s day kaya abala na ang couples bumili ng gifts at magpagawa ng kung anu-anong couple souvenir blah blah.
Naramdaman kong hinawakan ni Steve ang kaliwang kamay ko habang tahimik namang naglalakad sa kanan ko si Eula at Zet. Parehas tulala.
Sino ba ang may kasalanan nitong lahat? Imbyerna.
Pumasok kami sa isang family restaurant at naupo sa isang bakanteng table malapit sa bintana. As expected, magkatabi kami ni Steve habang si Eula naman ang katabi ni Zet.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013