WIFEY 15: Sensing Dicey
MAX’S POV
“Wag mo kong sinisimangutan dyan. Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa mo” –napairap sakin si Eula matapos kong mamewang sa harapan nya.
Nasa sala na kami ng mansion ng Yoshima ngayon. Dito kami dumiretso matapos naming makaharap ang DR kanina sa G Co. buti na lang hindi naman kami napaaway dahil may biglaang pinuntahan ang mga kalaban. Mas okay na rin yun dahil masyado silang marami at armado.
Kinuha ko naman ang hawak ni Zet na gasa saka nilagyan ang nadaplisang braso ni Eula kanina habang nakikipaglaban. Hindi ko alam kung bakit napakatanga ng babaeng to dahil sa laki ng atraso sakanya ng babaeng yun, nagawa nya pang ipagtanggol at sanggain ang balang hindi naman dapat sakanya.
“ARAY!! Dahan-dahan naman Max” –sinamaan ko lang sya ng tingin sa pag-angal nya. Naalala ko na naman ang nangyari kanina.
“Pagtatakpan mo pa ang mga yan? No used dear, nasundan din sila ng mga kasama ko” –rinig kong sabi ng isang lalaki.
Rinig na rinig ko ang hakbang ng lalaking kaharap ni Eula hanggang sa nakita ko ang isang DR na hawak ang babaeng kalaban ng pinsan ko sa drag race. Iyak ng iyak ang babae habang may baril na nakatutok sa leeg nya. Nanginginig din ang katawan nito habang nakatingin samin. Ngayon ko lang napansin na marami pala siyang kasama.
May limang lalaking nakapalibot kay Eula habang may nakatutok na mga baril. Hawak naman ni Eula ang kanang braso nya na mukhang tinamaan ng bala ng baril. May sugat rin sya sa noo na may mga natuyong dugo sa paligid nito hanggang sa gilid ng kanang mata nya. May pasa rin sya sa kaliwang pisngi sa ilalim ng mata at putok ang labi.
Tangina.
Napalingon ako sa likuran namin nang marinig ko ang pagdating ng isang humaharurot na sasakyan. Napakuyom ako ng kamao nang may bumabang limang armadong lalaki. Lahat sila nakasuot ng signitured na jacket at mask ng DR.
“Hindi pa rin kayo sumusuko” –malamig kong sabi sa lalaking hawak pa rin ang babaeng takot na takot.
“Dahil hindi ka pa rin sumusuko” –sagot nito.
“Bitawan mo yang babaeng yan, wala syang kinalaman dito”
“This? Sabagay, new face nga”
“Pakisabi dyan sa boss nyo, wala akong pakialam sakanya. Kung gusto nya akong makaharap, sya mismo ang pumunta sa harapan ko”
“Ganun ba? Osige, makakarating sakanya.. Max-dono” –napakuyom ako ng kamao ko sa yabang ng boses nya. Ibinaba ko pa ang baseball cap na suot ko para mas matakpan nito ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013