Wifey 14: Diavla: The Death Racer

24.7K 398 4
                                    

WIFEY 14: Diavla: The Death Racer

ZET’S POV

“Max, pigilan mo naman yang kaibigan mo! Ano ba?!! Mapapahamak lang yan”

Kanina pa ako palakad-lakad dito sa loob ng kwarto namin habang si Max naman prenteng nakaupo sa couch at kumakain lang ng chocolate. Tumayo lang sya para kumuha ng tubig sa ref saka yun sinara at sumandal. Tiningnan nya muna ako saka ngumiti.

Sht naman oh. Minsan na nga lang sya ngumiti, talagang sa ganito pang pagkakataon. Napakunot na lang ako ng noo sa inasal nya.

“Kilala mo si Eula, hindi natin sya mapipigilan sa desisyon nya. Wala naman tayong magagawa, maiinis lang sya satin.. lalo na at ang kalaban nya pa ay yung babaeng yun” –uminom muna ulit sya saka bumalik sa upuan para kumain.

Napabuntong hininga na lang ako. Ano pa nga bang magagawa ko? Sakto naman ang pagpasok ni Eula sa kwarto. Bihis na bihis na sya at nakangiti pa. Pinagmasdan ko sya mula ulo mukhang paa—JOKE LANG ^____^v mula ulo hanggang paa.. maganda.. maganda ang damit. Fit leather pants, white tank top na pinatungan ng signatured leather jacket nya.

Umupo lang sya sa kama nya saka isinuot ang skate shoes nya. Ako naman nakatayo lang dito sa gitna ng kwarto habang nakapamewang at pinagmamasdan ko ang mga kasama ko. Napatingin ako sa orasan sa kwartong to.

11:57PM

1:00AM magsisimula ang laban ni Eula at ngayon pa lang pinagpapawisan ng malamig ang mga palad ko samantalang sila, parang wala lang.

“Steve texted me, nasa labas na daw sila ng bahay. Pakisalubong naman Zet” –Max told me without looking. I just nodded kahit di naman nya nakita at sinunod na ang sinabi nya. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, talaga namang si manyak pa ang bumungad >_<

“Tagal buksan a. Palibhasa maiiksi ang biyas kaya mabagal maglakad” –dirediretso lang syang pumasok ng bahay at umupo sa sofa. Pumasok na rin ang dalawa at sumunod kay Jason.

“Where’s wifey?” –tanong ni Steve habang prenteng nakaupo sa sofa.

“Room. Kasama si Eula” –turo ko pa sa kwarto habang sinasabi yun. Napatingin ako kay Eric na seryoso lang sa isang tabi. Hindi ako sanay na ganito sya katahimik. Yan kasi ang pinakaisip bata sa kanilang tatlo, siguro nag-aalala din sya para sa Diavla nya.

“Eric, stop Eula” –tumingin lang sya sakin saka nagsalita.

“She’s not listening, pero may tiwala naman ako sakanyang kaya nya yan. She’s my Diavla anyway” –he slightly smiled after his last word. Hindi na lang ako umimik. Narinig ko naman na nagsara na ang pinto ng kwarto kaya napatingin ako sa hagdan. Magkasabay na bumababa si Eula at Max--still eating her chocolates.

“Lets go?” –Eula

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon