WIFEY 24: I’m Back
JASON’S POV
“Paki-abot naman yang softdrinks. Leche! Hindi ko alam kung pano to sasagutan” –reklamo ni Eric sabay hampas pa sa notebook nya. Inabot naman ni dwarfina yung softdrinks na agad nyang ininom na akala mo ay uhaw na uhaw at natuyuan ng laway.
“Anong sasagutan? Ako na nga ang nagsasagot oh, kokopyahin mo na lang. Tsk” -napangiti na lang si Eric sa sinabi ni Eula.
Ako, si dwarfina, Eula at Eric.. kami lang ang magkakasama nitong nagdaang mga linggo. Andito kami ngayon sa bahay nina dwarfina habang gumagawa ng assignments. Busy sila sa pagsagot habang kami ni Eric, nangongopya lang.
Ano namang alam namin dyan diba?
Sinarado ko na ang notebook ko dahil tapos na rin naman ako. Pinagmasdan ko lang sila habang tahimik na tinatapos ang mga sinusulat nila, lahat seryoso at tahimik. Napahikab naman ako kaya automatic na napatingin ako sa wallclock ng sala nila. 11:27PM na pala kaya inaantok na ako. Pumapangit pa naman ang skin ko kapag kulang sa tulog.
Inihiga ko ang sarili ko sa sofa nila kahit hindi naman ako kasya, no choice, napipikit na talaga ang mga mata ko.
“Wala pa rin bang balita kay Max?” –rinig kong mahinang tanong ni Zet. “Ah” –dugtong pa nito.
“Tinawagan nyo na ba yung lolo nyo?” –Eric
“Not yet at wala rin naman akong balak na sabihin sakanya” –Eula
“Ha? Bakit?” –Eric
“Siguradong mag-aalala yun sa apo nya. He love Dono so much kaya alam ko kung anong mga hakbang ang pwede nyang gawin. Hindi naman kami sigurado kung tama nga ang nakita ni Max that time” –Eula
“Pero, pano kung totoo nga?” –Eric
Katahimikan.
Inaantay ko kung sino ang unang sasagot sa tanong. Sa sobrang tahimik nilang tatlo, tanging tunog lang ng kamay ng orasan ang maririnig sa buong bahay.
Nakucurious ako sa pinag-uusapan nila. Ano ba yun?
Idinilat ko ng kaunti ang kanang mata ko para masilip ang mga reaksyon nila. Kunot noo ang dalawang babae habang nakatingin sa nag-aantay ng sagot na si Eric. Para bang napaisip ang dalawang babae kung may posibilidad bang maging tama ang hinala ni Eric.
“But, we saw it with our eyes—“ –Zet
“Na patay sya?” –Eric. Umiling naman si dwarfina. “See? Pano kung nakasurvive sya?”
“Survive? Is that even possible? He’s running out of breath nung sinugod namin sya sa hospital. He’s in coma and the next thing we know, inalis na ang mga apparatus na sumusuporta sakanya.. diba patay na sya nun?” –Eula
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013