WIFEY 23: He’s My..
STEVE’S POV
“Kamusta ang buhay bro?”
Napaangat ako ng ulo at inayos ang hood ko para mas makita ko ang nakangiti na naman nyang mukha. Kinuha ko ang softdrinks at tinapay na inaabot nya sakin. Umupo sya sa tabi ko at tumingin na rin sa mga batang naglalaro sa harapan namin. Nasa playground kami ngayon.
“Ganun pa rin, namumuhay ng mag-isa” –binuksan ko ang tinapay at kumagat doon.
“Bakit? Ayaw mo bang pumunta ng Japan kasama ni Otousan?” –umiling lang ako sa tanong nya.
“Eh ikaw? Bakit napadpad ka ng Pilipinas? Iniwan mo ang mama mo sa Canada?”
“Ha? Ah, oo. Matagal na rin akong umalis sa puder ni mama, mga mag-iisang taon na rin. Sa Japan ako tumira..”
“Ng mag-isa?”
Katahimikan.
Hindi sya sumagot sa tanong ko pero ngumiti sya.. ngumiti na naman sya. Nakakainis talaga tong lalaking to, hindi ko alam kung marunong ba 'tong sumimangot at magalit. Parang palaging kalmado at nakangiti. Parang wala syang ibang alam na emosyon bukod dun.
Isinandal nya ang likod nya sa upuan at saka bumuntong hininga pero nakangiti pa rin. Hindi ko alam kung tunay yun o hindi.
“Kasama ko ang fiancée ko”
“F-Fiancee? May fiancée ka na?”
“Oo, matagal na rin. Mula ng makarekober ako, sinabi at pinakilala na nila sakin yung babae. Magkasama kami nun sa Japan”
“Ah. Leave-in pala kayo”
“Hindi naman sana leave-in e, ayaw nya lang talaga magpaiwan” –tumawa pa sya ng mahina pero hindi ko na lang nilingon. Uminom ako ng softdrinks saka humarap sakanya.
“Mahal mo?”
“Sya ang nag-alaga sakin. Sya ang tumulong sakin na mas mapabilis ang recovery. Well, rather than love.. she’s special to me bro” –nakangiti na naman nyang sagot. Tumango lang naman ako.
“Kasama mo sya?”
“Hindi. Tumakas ako sakanya”
“Tumakas?” –nagtatakang tanong ko naman, muli tumawa na naman sya. Siguro dahil sa amazed na reaksyon ko. Eh diba nga espesyal sakanya yung babae, bakit nya kelangan takasan? Minsan magulo rin talaga to kausap e.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013