Wifey 10- Be Shut

32.1K 488 21
                                    

Wifey 10 --- Be Shut

Max’s POV

“You know what wifey, I love reading the menu.”

“Ha?” Ano na namang pinagsasabi ng pugong ‘to? (-_-)

Eto ako ngayon at naglalakad sa hallway nang magkasalubong kami habang papalabas sya ng cafeteria. As usual, freshmilk na naman ang binili nya. Parang hindi talaga bagay na sa laki nyang lalaki, yan ang iniinom nya.

Sa angas nyang yan, nakafreshmilk?

“Because it has ME 'n U.” Dugtong naman nya. Yun lang yun? Psh. Waleeey~ ni hindi manlang kikiligin kahit langgam. Hindi ko na lang sya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Mukhang nabadtrip naman sya kasi walang kakwenta-kwenta ang pinagsasabi nya, sabay tapon ng lalagyan ng gatas sa nadaanan naming basurahan. At least, marunong siya gumamit ng basurahan. Hindi tulad ng iba na sa daan lang tinatapon. Kawawang Mother Earth.

“Hindi ka manlang ba kikiligin? Ano bang klaseng babae ka?!” inis na inis naman yung tono ng boses nya habang nagsasalubong pa ang kilay.

Ano namang gusto nyang gawin ko? Magkikisay ako dito sa kilig? Eh wala namang nakakakilig sa sinabi nya (-_-) kung ibang babae lang ako, siguro nga naihi pa ako dito, pero dahil ako si Max… tsk. Asa pa sya.

Lumiko na ako sa kaliwang hallway kung saan ang room namin. Papasok pa lang ako ng room, rinig ko na ang nagkakagulong klase namin. Bakit ba naman kasi natapat pa sa’min na puro lalaki ang kaklase? May dalawang babae nga, feel na feel naman na mga lalaki ang nakapaligid sa kanila. Psh. Puro kakatihan ang alam eh.

“Oh Max!” Nilingon ko ang sumigaw na si Eula habang kumakaway pa ito sa’kin.

“Aga mo yata.” Sabay lagay ko ng bag ko sa upuan. Sumunod naman sa’kin si Steve na lukot pa rin ang mukha. Di na yata nakaget over sa kapalpakan nya. Pfft!

“Ewan ko nga rin eh. Ang aga ko kasi nagising. Bored na rin naman ako sa bahay kaya nauna na ko.” Paliwanag nito na tinanguan ko lang naman saka inginuso ang napansin kong si Zet na nasa unahan namin na panay ang sulat sa notebook nya.

Nagshrug lang si Eula saka kami sabay na tumayo at sinilip ang sinusulat ni Zet. Pakanta-kanta pa nga eh. Ang lawak lang ng ngiti, malapit na mapunit yung labi. Dahan-dahan naming sinilip yun ni Eula saka nagkatinginan…

‘CODIE’

Panay ganyan lang ang nakasulat sa papel. Iba’t-ibang font style pa. Trivia nga pala dito kay Zet, patay na patay yan sa magaling kong kapatid. Crush niya sa hindi ko malamang dahilan. Hindi naman gwapo yun at may pagkababaero pa. Ano kayang nagustuhan nya?

Sinenyasan ko lang si Eula na manahimik na lang kasi nakaevil smile na naman ang bruha. Mamaya kung ano pa ang gawin nitong kalokohan, magsisigaw na naman si Zet sa kilig. Ilang beses na ‘yan nangyari sa Japan at ako ang nahihiya sa mga reaksyon nila (-_-) ‘Yung tipong mapapasigaw ka na lang sa iba ng ‘Hindi ko ‘yan kilala’. Mga gano’ng reaksyon.

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon