Wifey 25: Alone With Her

19K 322 18
                                    

WIFEY 25: Alone With Her

 

 

MAX’S POV

“Ohayo”

“Ohayo” sagot ko sa dalawa.

“Oh, hindi ka dito magbreakfast?” napatigil ako sa pagtakbo papalabas ng pinto at nilingon si Eula na nagtanong kasama si Zet na nakaupo na sa tapat ng dining table.

“Sa cafeteria na lang siguro”

“Bakit doon pa? Nagluto pa naman ako ng almusal”

“Sabay-sabay na tayo Dono” muntik na akong madala sa pagpapacute ni Zet pero hindi pwede, inaantay nya ako ngayon.

“Gomen ne. I really need to go. Sumimasen” hindi ko na sila inantay pa na magsalita at diretso na akong lumabas ng bahay.

Sobrang maaga pa at malapit na ang pasko kaya naman ramdam na ramdam ko ang lamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko kasama ng suot kong blazer. Dahil siguro sa sobrang aga pa, walang masyadong estudyanteng pagala-gala sa labas pero itong tao na 'to napakaagad kung papuntahin ako dun. Hindi na ata natutulog 'to.

Huminto ako sa tapat ng building at saka tiningnan muna ito. Matagal ko ring hindi nakita 'to a. Nagsimula na akong umakyat sa building at kumatok nang tumapat na ako sa pintuan.

“Come in” rinig kong sigaw nito mula sa loob ng kwarto. Pumasok na ako at dumiretso sa couch. Agad naman nyang iniwan ang mga ginagawa nya at umupo sa harapan ng inuupuan ko.

“What do you need?” nakacross arms kong tanong sakanya.

“Ohayo~ wala naman, namiss lang kita” ngiti nya pa sakin kaya inirapan ko sya.

“Umayos ka at wag mong sayangin ang oras ko dahil makakatikim ka sakin ng isang—“

“Kissu~”

“Gago” tumawa naman sya sa sinabi ko.

“Kfine. Ang sungit pa rin”

“Dalian na”

“Oo na nga, di makapag-antay 'to. May nabalitaan akong naglayas ka daw” napakunot ang noo ko sakanya.

“Nabalitaan? You mean, hindi mo napansin na nawala ako ng halos mag-iisang buwan?” tumingala sya na mukhang nag-iisip at agad na umiling. I hissed in dismay. Anong klaseng academy director ba 'tong lalaking 'to? Walang alam.

“Bumalik ako sa Japan and arrived here a couple of days ago kaya hindi ko alam. Nabalitaan ko lang sa klase mo, chismis kasi yun” again, I rolled my eyes. Ano nga naman ang bago diba? Ganito naman talaga sa lahat ng schools.

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon