WIFEY 42: Newbies
CLAUDIA’S POV
I was busy curling my hair habang nakatingin lang sa mirror. Minsan hindi ko na kilala ang sarili ko. Bakit ba kasi dalawang mukha ni Claudia Silva ang dapat kong ipakita sa mga tao? Isang Claudia na sopistikada at bratinella, sexy and head-turner.. meanwhile, isang ordinaryong Claudia at nonsense lang ang nakikita ni Toffer.
Sa lahat ng taong pwedeng makapansin ng ganda ko, bakit si Toffer pa ang pinagkaitan?
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naiisip. Ibinaba ko na ang hawak ko saka kumuha ng isang red lipstick. I can’t afford to look pathetic in front of that Max girl. Dibaleng si Toffer na lang ang nakakakita ng kahinaan ko.. dahil sya lang naman talaga ng kahinaan ko. On the bright side, magagawa ko lahat ng kaplastikan at pang-aalipusta kay Max habang nasa Y.A kami dahil hindi ako masasaktan doon ni Toffer. Hindi nya gugustuhing makita ni Max kung gaano kasama ang totoong ugali nya, kung gaano kalaki ang pinagbago nya.
Inayos ko ang suot kong uniform kasunod ang stiletto. Wala namang rule na bawal ang ganito doon sa academy. Tss. It’s as if susunod ako kung sakaling ipagbawal nila ang ganito. Binitbit ko na ang shoulder bag ko diretso baba sa dining. Naabutan ko pa si Toffer na umiinom ng kape habang hawak ang phone nya. Pangisi-ngisi pa ito. Tumingin naman sya sa kinatatayuan ko ng maramdaman ang presensya ko. Bigla syang sumimangot at itinuloy ang pag-inom sa kape.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib.
Hindi ko na lamang sya pinansin at umupo sa upuan katapat nya at nagsimulang kumain. Tahimik lamang kami nang sya mismo ang bumasag sa katahimikan.
“Wag kang gagawa ng kahit na anong gulo doon Claudia. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo” malamig ko syang tiningnan at hindi na lamang sumagot. Alam ko naman kasing sasaktan nya ako sa oras na galawin ko si Max, hindi na nya kailangan pang ipaalala yun.
Pinagmasdan ko lamang syang maglakad papalayo sakin habang ako naiwang tulala sa lamesa. Napapikit na lamang ako habang pinupunasan ang ilang patak ng luhang kumawala na naman sa mga mata ko *sigh* hanggang kailan ko kakayanin ang ganito?
Inilagay ko na lang ang pinagkainan ko sa lababo at sumunod na sakanya palabas ng bahay.
Tahimik lamang kami sa buong byahe habang tinatahak ang daan papuntang Y.A. naiinis ako dahil hindi na maalis ang ngiti nya sa mukha- alam ko kasing si Max na naman ang dahilan nyan. Sabagay, ano pa bang aasahan ko? Sya naman lagi e.
“Hello?” tiningnan nya ako ng masama nang mapalingon ako sakanya. Napaiwas na lamang ako ng tingin at pinakinggan ang pag-uusap sa phone. “Yea dude, magkikita na tayo. Hahaha” nababaliw na tawa nya. Yung dalawa na naman? Oo nga pala, may dalawa pa syang kasabwat. Yung dalawang bwisit na tumutulong sakanya. Yung dalawang peste na nagiging mata nya kay Max. That fckshts! Puro na lang Max! Umaga pa lang quota na ako sa pangalang yan.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013