Wifey 27: Irregular Heartbeat

18.3K 302 2
                                    

WIFEY 27: Irregular Heartbeat

STEVE’S POV

‘Sht naman. Bakit ba ako kinakabahan? Dahil ba first time ko 'tong gagawin?’

Halos mag-usap na ang mga braincells ko sa sobrang kaba. Halos iluwa ko na ang puso ko sa lakas ng tibok. Jusko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na maghanda ng ganito para sa isang tao.

First time ko gagawin 'to para sa taong nagugustuhan ko at sa babaeng pokerface pa. Kinakabahan ako sa pwedeng maging reaksyon nya, baka kasi 'di nya magustuhan at i-reject nya lang 'tong hinanda ko.

Napalunok na lang ako ng laway ko saka huminga ng malalim, baka sakaling makahigop ng lakas ng loob. Ang big deal naman kasi sakin nito >.< lumunok pa ako ng mga tatlong ulit at saka inayos ang sarili ko *inhale* *exhale* tumayo na ako ng maayos at saka umakyat sa puno na katapat ng bintana ng kwarto nya saka humakbang papunta sa balcony.

“Wifey” I carefully whispered through the glass door. Kahit naman ata sumigaw ako dito hindi naman talaga nya maririnig e. Minsan Steve natatanga ka ng kaba mo -_-

“Wifey” I tried again but failed. Mahimbing at malalim talaga ang tulog nya kaya naman dahan-dahan ko ng binuksan ang pinto— hindi sya naglalock ng pinto?! Paano kung may pumasok dito at pagsamantalahan sya?! Kahit na gangster sya, babae pa rin sya. Kainis na babae 'to.

“Nanakawin muna kita ha? Wag kang maingay” bulong ko sakanya pero nagulat ako ng kumislot sya kaya naman nataranta ako at tinakpan ko ang bibig nya nung dumilat sya.

“asdfghjklmmmmmmmm” wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya. Hindi ko naman pwedeng tanggalin yung kamay ko dahil baka magsisigaw sya tapos sapakin pa ako. Ang lakas nya kaya.

“Shh.. wag ka maingay. Ako—“

“Gago— S-Steve? Anong ginagawa mo dito?!”

T____________________T ang sakit. Pakiramdam ko nabungi na ako sa ginawa nya.

***

“Kasi naman, bakit ka ba pumasok sa kwarto ko ng walang paalam? Dapat snabi mo na lang hindi yung nag-aakyat bahay ka pa. Ano ka? Batang hamog? Pasalamat ka nga at nasiko ko lang yang bibig mo. Jusko. Papatayin mo ako sa kaba, akala ko nakita na kami ng mga kalaban” patuloy lang sya sa kakadaldal habang naglakakad kami papunta sa rooftop.

Nakacross arms lang sya habang naglalakad sa tabi ko at ako naman tahimik na hawak ang bibig ko. Ang sakit kasi, sobra. Pakiramdam ko naalog yung buong gums ko sa ginawa nya, nalalasahan ko pa nga yung dugo kasi pumutok yung labi ko.

“Anong meron dito?” tiningnan ko lang sya habang nakataas ang kanang kilay nya sakin. Hindi na lang ako sumagot at nagbuntong hininga.

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon