WIFEY 34: White Lie
ZET’S POV
I sat at the bench right behind me after finishing my cotton candy na binayaran ni Jason para sakin. Napatingin ako sa ulap dahil medyo may kakulimliman ito. Mukhang uulan ata. I sighed kasabay ng pag-ihip ng malamig na simoy ng hangin. Napayakap ako sa sarili ko sabay ng pagyuko.
I’m feeling guilt.
Itinaas ko ng bahagya ang suot kong sweater saka sinilip ang oras sa wrist watch na bigay sakin ni Jason noong hindi pa ako nadadapuan ng ‘temporary amnesia’. Ilang minuto na rin pala ang nakakalipas mula nang umalis sya, ang tagal naman ata nyang bumalik. At dahil sa mainipin ako naisipan kong tumayo na lamang ulit habang naglalakad-lakad sa paligid dahil pakiramdam ko bago manlang makabalik si Jason dito nagyeyelo na ako sa lamig. Sanay naman ako ng ganitong panahon sa Japan pero kakaiba naman kasi yung ihip ng hangin dito, pabigla-bigla.
“Zet” napalingon ako sa lalaking tumawag sakin. Isiningkit ko pa ang mga mata ko ng bahagya upang mas malinaw na makita ang mukha ng taong ito dahil may kalayuan ang pwesto nya mula sakin. Patakbo syang lumapit sakin habang nakataas ang kanang braso at mabilis na ikinakaway ito.
“Oh? Sanders?” medyo hingal syang huminto sa harapan ko saka ngumiti kaya hindi ko na rin mapigilan ang mapangiti. “Anong ginagawa mo rito? Namamasyal kang mag-isa?” tanong ko pa ulit. Umiling naman sya saka tinuro ang pwestong pinanggalingan nya na mabilis ko rin namang tiningnan.
“Hindi. Kasama ko si Keana, iniwan ko sandali dahil gusto kita ditong punatahan” tumango naman ako sa sinabi nya. Si Keana ang twin sister ni Sanders, close din kami nun.
“Next time pupunta ako sainyo para naman makapagkwentuhan kami. Miss ko na sya e”
“Miss ka na rin daw nya. Teka, kamusta na pala? Buti naman naaalala mo na talaga ako pero bakit ako lang ang naaalala mo?” nagtatakang tanong nya na nakapagpaiwas naman ng tingin sakin. Hindi ako komportable sa tanong nya. “Zet?” tawag nya pa. Tiningnan ko sya sa mata.
Childhood friend ko sya at may tiwala ako sakanya.
“I lied, Sanders. From the very first day that I became conscious..” nagkasalubong ang dalawang kilay nya dahil sa sinabi ko. Again, I took a deep breath bago muling nagsalita. “..wala naman talaga akong amnesia. Not even that ‘temporay amnesia’”
Napakunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. He hold me at arm’s length pero hindi naman mahigpit kaya hindi naman ako nasasaktan. Titig na titig sya sakin na halos malusaw naman ako dahil sa kahihiyan sa mga ginawa kong kasinungalingan.
Yea. All this time niloloko ko lang sila tungkol sa sakit ko, for a selfish reason.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013