Wifey 31: One Who Forget. One Who Remember.

17.1K 259 11
                                    

WIFEY 31: One Who Forget. One Who Remember.

 

 

JASON’S POV

 

“S-Sino kayo?” I froze. Hindi lang pala ako.. lahat kami. Lahat kami napahinto dahil sa tanong nya. Anong.. h-hindi nya kami maalala? “Bakit ako nandito? Bakit kayo nandito? Bakit nyo ako kilala? Kaano-ano ko kayo?” dugtong nya pa. Nagkatinginan kaming lahat saka humarap sa doctor.

“Doc.. bakit ganun?” tanong ni Steve.

 

“Sumunod muna kayo sakin. May pag-uusapan tayo” iniwan naman naming si Zet at sumunod sa doctor sa labas ng kwarto nya. Kita ko naman sa bintana na mukha syang batang namamangha at walang alam sa paligid. Nililibot nya lang ang tingin nya sa buong kwarto at pinagmamasdan ang karayom na nakatusok pa rin sakanya pati ang mga apparatus.

I’m afraid that she has amnesia.. well, pwedeng temporary amnesia lang naman ito. Maaaring nakuha nya ito sa pagkakabaril sa ulo nya but she can regain her lost memory with the help of you guys” nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ng doctor. “Kayo lang ang makakatulong sakanya. Ipaalala nyo sakanya ang mga bagay na nakalimutan nya, ipaalala nyo ng dahan-dahan. Hindi nyo sya pwedeng biglain. It’s like driving, slowly but surely but the bigger the better” ngumiti pa sya. “Oobserbahan pa natin sya habang nandito pa sya sa hospital until her fully recovery. Puntahan nyo na sya. Excuse me” umalis na rin naman ang nurse at doctor pagkaraan.

“Paano na 'to? Paano natin ibabalik ang alaala nya?” tanong ni Steve. Nakita ko namang napakuyom ang mga kamao ni Max kaya hinawakan ito ni Steve. Hindi naman sya umangal pero bakas pa rin sa mukha nya ang takot at pagkabalisa. “Wifey kumalma ka. Ang mahalaga gising na sya” tumango naman si Max sa sinabi ni Steve.

Nagdesisyon na kaming lahat ng pumasok muli sa kwarto. Naabutan pa naming isa-isang inaalis ni Dwarfina ang mga karayom at apparatus na nakatusok sa katawan nya. Agad namang napatakbo sakanya si Eula at pinigilan ito. Nagdugo na rin ang pinagtanggalan nya ng karayom sa may bandang pulso nya. Kumuha naman ng tissue at bulak si Max para alisin ang dugo.

“Hey! Sino ba kayo?” takang tanong ni Dwarfina habang papalit-palit ang tingin kay Max at Eula habang kaming tatlong lalaki ay nakatayo lang sa tapat ng kama nya habang pinagmamasdan sila.

“Daijobou? (You okay?)” malambing na tanong ni Max sa bunso nila. Halata ang inis at pagtatakang naghahalo sa mukha ni Dwarfina pero hindi nya ito sinagot. “You listen to me okay? Hindi mo pwedeng alisin ang mga ‘to sayo. Wait until the doctor do so. Okay? Pag magaling ka na aalisin din nila ito but for now, tiis muna ha?” patuloy lang naman sya sa pagpunas ng dugo habang tinititigan naman sya ni Zet. Maya-maya ay binaling nito ang tingin sa aming tatlo pero wala na itong emosyon.

“Who are you guys? Why you all acting as if you know me?” naiiritang tanong nya. Hindi ko sya pinansin at umupo na lang sa couch malapit sa table nya para kumuha ng makakain. Siguro, ganyang-ganyan ang magiging asta at ugali nya kung hindi nga talaga kami magkakakilala. “Hey! You all deaf? Nakakainis naman ang mga tao dito”

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon