Wifey 09 --- BRTG vs. DR
Japan; Yoshima Zaibatsu
Codie's POV
“Ojiichan...”
Agad naman syang napalingon sakin kasabay ng pagbaba ng tasa ng tsaa na hawak nya. Tumayo sya upang alalayan ako papunta sa couch na malapit sa swivel chair nya. Nakakainis. Bakit ba napakatagal gumaling ng mga pasa sa katawan ko?! At itong pilay ko sa kanang paa... pahamak.
Hindi tuloy ako makahanap ng chicks *killer smile*
Inusog nya ang swivel chair papunta sa harapan ko saka ako tinitigan ng maigi. Gusto kong kilabutan sa titig ng matandang to. Mamaya kasi mabalitaan kong sa tapang nyang yan, may pagnanasa pala sya sa apo sabay tanong sakin ng ‘Apo, pwede ba kahit isa lang? ^3^’ aba! Talagang hahambalusin ko syaaa—
"Ah! Aray naman lolo! Bakit ka naman nanghahampas diyan?!" Hinimas-himas ko naman ang ulo ko na hinampas nya ng dyaryo. Masakit kaya. Nakaroll yun, sainyo ko ihampas yun eh.
“Bakit ba kasi ang tagal nyong magsigaling ha? Nabalitaan ko, nagpadala na ng tauhan ang DR sa Pilipinas. Paano kung sumunod na rin sa Pilipinas ang boss nila? Hindi mo ba naiisip kung anong pwedeng mangyari kay Max ha?!” Isang hambalos pa sa kaliwang braso ang natanggap ko mula sakanya. Napahimas na lang ako sa braso ko bago sya tuluyang tumayo at humarap sa full lenght glass wall ng office nya.
Napaisip akong bigla sa sinabi ni tanda. Bakit ba hindi ko naisip na matapos niyang malaman kung nasaan si Max ay susundan na rin niya ito? Akala ko pa naman tapos na ang lahat. Ano pa bang pakay niya sa kapatid ko? Gusto niyang patayin? Hindi. Hindi ako makapapayag.
Dahil kung tutuusin, sya nga itong may atraso.
Muling nabaling ang tingin ko kay lolo. Dapat nga siguro ay sundin na namin itong payo nya, dahil hindi ko hahayaang maunahan kami sa pagkilos ng DR. Hindi ko hahayaang makuha nya si Max. Ngayon pang kaya ko ng protektahan siya. Hindi ko na hahayaang magulo na naman ang buhay ng kapatid ko.
Hindi ko hahayaang, magkrus ang landas nila sa sitwasyong dehado si Max.
"Sa Pilipinas na kayo magpagaling. Spy your sister. Hindi kayo pwedeng maunahan ng DR. Sa mansion kayo tumuloy. Ihahatid kayo ng private plane. Ipapahanda ko na ang lahat," mariing utos nito na nanatiling nakatingin sa labas.
Tumango lang ako saka isinukbit na ang saklay ko. Hindi pwedeng maging epic ang paglalakad ko palabas. Dapat mukhang seryoso at maangas para hindi ako mahambalos-
“Dalian mo maglakad na bata ka! Isang oras ka ng nakatayo hawak yang saklay mo!”
“Aray naman! Oo na, isang oras ka dyan. 'Di ka rin naman OA nyan lolo.”
“Aba’t sumasag—“
“Lalabas na. Tsk.”
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013