Wifey 43: He's Mine

19.3K 282 10
                                    

WIFEY 43: He’s Mine

EULA’S POV

 

“Pakikuha naman sa baba yung medicine kit, Steve” rinig kong sabi ni Max sa labas ng kwarto kasabay ng mabilis na yabag ng mga paa sa hagdan. Maingat naman akong inalalayan ni Eric paupo sa kama ko. Nakadama naman ako ng ginhawa nang makupo ako dahil makakaiwas na sa pwersa ang binti ko.

“Eric..” bulong ko ng maramdaman ang maingat na pag-angat ng binti ko habang ipinapatong nya ito sa mga hita nya. Pinagmasdan ko lang ang pagsama ng timpla ng mukha nya matapos nyang iangat ang jogging pants ko at malantad sa harapan namin ang namamaga at nagpapasa kong binti at alak-alakan (likod ng tuhod).

“Tss” tanging inis na sambit nya sa nakikita. Umiwas na lamang ako ng tingin. Sakto naman ang pagpasok ni Max sa kwarto dala ang isang basin at bimpo kasama si Steve na may bitbit namang medicine kit at dambuhalang alcohol. Sht! (>_<) mas pipiliin ko pang mahiwa ng dagger ko kesa malagyan ng alcohol ang mga sugat. “Akin na-“

 

“WAG!!” lahat sila ay gulat na napatigil at napatingin sakin dahil sa sigaw ko. Pinangunutan ako ng noo ni Max habang gulat pa rin ang dalawang lalaki. Sunud-sunod ang iling ko sakanila while wearing my pleading expression. I just can’t.

“Diavla? Gagamutin lang ang sugat mo”

 

“No please..” I plead. “..not that fvcking alcohol Eric”

 

“Takot sa alcohol yan” inirapan ko si Max na dumiretso na sa CR ng kwarto matapos nyang sabihin yun.

“Alcohol lang 'to. Mas masakit yang mga sugat na yan kaysa dito” Steve.

“No- AAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH. YOU BTCH!” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko at napasigaw na lang ng malakas habang nangingiwi matapos ibuhos ni Eric ng biglaan ang alcohol sa sugat ko. Agad naman nyang hinipan and thank God dahil nabawasan ang hapdi, 'cos seriously? I’m on the verge of shedding bloddy tears (T^T)

Natatawa naman si Steve sa isang tabi habang si Max naman ay walang emosyong lumapit samin ni Eric dala ang basin na may maligamgam na tubig. Pinababa nya muli si Steve to get a cold pack for my bruises. Patuloy lang naman si Eric sa ginagawa nya para hindi daw mainfect ang mga open wounds ko.

Dali-dali namang nilinis ni Eric ang sugat ko gamit ang maligamgam na tubig saka muling nilagyan ng kung anu-anong gamot at pinahiran ng mga ointments. Hinanap ng mga mata ko si Max and found her spacing out in front of the window. Ang layo ng tingin nya, she’s staring in blank. Malalim na naman ang iniisip nito and I wanna know what it is.

“Here” napaangat ako ng tingin kay Steve at kinuha ang inaabot nitong cold packs. Dumiretso ito sa pwesto ni Max saka ito niyakap mula sa likod na bahagyang nagbigay ng gulat sa dalaga.

BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon