WIFEY 45:Obvious Hidden Hints
ACE’S POV
“Ano?! Anak naman ng teteng! Bakit hindi nyo agad sinabi samin ha? At ikaw babae ka, may pahelp me help me ka pang nalalaman dyan, e itong si Jason naman pala ang fiance mo!” halos manliit na lamang si Zet sa isang tabi habang nakahalukipkip pa ito matapos nyang marinig ang malakas at pasigaw na sermon mula kay Eula. Hinampas pa nito ang lamesa bago umupo sa upuan nya saka uminom ng tubig sa basong inabot ni Eric sakanya. Hinagod-hagod naman ni Eric ang likod nito na wari ba'y pinapakalma.
“Akala naman namin sa masamang kamay ka na ipapakasal. Nagbalak pa kami ng kung anu-ano,” napapailing na sabi ni Steve habang nakaakbay sa tahimik pa ring si Max.
“Eh kasi naman..” kulang na lang ay hilingin ni Zet na lamunin na sya ng lamesa para makaiwas na sa mga sermon. “..gomen nasai~” nakabusangot nitong tugon habang nakayuko sa mesa. Napailing na lamang ako sa isang tabi sa pinag-uusapan ng magbabarkadang ito.
Sa wakas at buo na rin silang anim.
Nasa cafeteria kami nitong academy ngayon dahil vacant time nila. May meeting kasi ang faculty, at kung itatanong nyo kung bakit wala ako sa meeting.. trip ko lang. Si Mr. Yoshima naman kasi ang kakausap sakanila through video messages. Ang alam ko ay tungkol lamang sa seguridad ng mga estudyante ng Y.A. ang pag-uusapan nila. Sabihin na nating may iilang estudyante ritong nag-aaral na nanggaling na sa mayayaman at malalaking empire ng Mafia at Gangster Family nila pero ang karamihan ay mga mayayamang ordinaryong estudyante lamang.
Nabalitaan ko kasi ang nangyari noong nakaraang araw sa likod nitong highschool building kung saan ay sinugod si Eula ng ilang myembro ng Dark Rouges. Paano na lamang kung may ibang estudyanteng mapagdiskitahang paglaruan ng mga magugulong gangster na 'yon? Kakalat lalo sa eskwelahan ang tungkol sa dalawang gang na nasa Yoshima Academy- ang Black Royal Tono Gang at ang Dark Rouges.
Alam kong nakapasok na sa loob nito ang iilang myembro ng DR dahil hindi naman sila agad makakapasok at makakasugod rito kung wala silang contact.
Nandirito na sa loob ang Boss nila, tahimik na nagmamasid at maingat na gumagalaw at kumikilos. Tsk. Napakahusay.
“Ace?” naputol ang pag-iisip ko ng maramdaman ang malamig na basong nakadikit sa tip ng ilong ko. I saw Max behind the glass staring at me intensely. I flashed her a sunny smile saka kinuha ang baso at uminom ng juice rito. Umupo ito sa tabi ko habang pinagmamasdan ang barkada nya sa harap namin- kasama na si Steve. Napangiti pa ito ng kindatan sya ng boyfriend nya.
“In love” panunukso ko.
“Tss,” simpleng sagot nito na may kasama pang irap. “Ang lalim ng iniisip mo kanina. Tungkol saan ba?”
“Ikaw lang naman iniisip ko”
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
AcciónSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013