WIFEY 26: The Beginning
EULA’S POV
“Akin nga kasi 'to. Meron ka namang sayo a, bakit ka pa nangunguha? Epal ka rin talaga ano?” sigaw ni Zet sa katabi nyang si Jason.
“Titikman lang naman, bakit ba napakadamot mo?” sagot naman ni Jason habang pilit tinutusok ng tinidor nya yung chocolate cake ni Zet.
“Tanga ka ba talaga Kapre? Parehas lang yan chocolate cake. Bakit kailangan pang kunin yung sakin?”
“Hindi ko nga kukunin, pahingi lang ng kaunti. Titikman ko lang”
“Meron ka naman ngang sayo. Yan na lang ang tikman mo”
“Bakit ba kasi ang damot mo? Bilhan pa kita ng sangkaterba nyan e”
“Gawin mo nga—“
“Urusai!!Para kayong mga bata. Magpalitan na lang kaya kayo ng cake para matahimik kayo parehas” putol ko sa bangayan nila.
“Ayoko nga” Jason
“Iie (No)” Zet
*facepalm* this two are hopeless. Hindi ko na lang sila pinansin at kumain na. Nasa cafeteria kaming apat dahil nawawala na naman si Max. Hindi sya pumasok kanina sa first two subjects kahit na maaga syang umalis. Nagreply naman sya kanina nung tinext ko sya, siguro naman papunta na sya.
“Hayaan mo na lang yang dalawa Diavla, masanay ka na dahil ganyan talaga sila maglambingan” bulong sakin ni Eric. Tiningnan ko lang naman sya saka ibinalik ang tingin sa dalawang nag-aaway pa din.
“Nani ga atta no desu ka?” (What happened?) napalingon naman ako sa taong nagtanong. Si Max pala. Nakatayo lang sya sa gilid ng table namin habang inaayos yung uniform nya. Hindi na naman inayos ang blazer. Kahit kalian talaga.
“Nothing. Saan ka galing?” tanong ko naman nang makaupo sya sa tabi ko. Bigla naman syang nanlaki ng mga mata at namula. Anong nangyayari sa babaeng 'to?
“Sonna tsumori de itta no dewa arimasen” (I didn’t mean that) bulong nya sa tabi ko habang namumula pa rin. Para syang may naalala dahil sa tanong ko.
“You didn’t mean what?” tanong ko naman sakanya. Humarap naman sya sakin na mukhang nagulat.
“I mean, I mean that. Sinadya ko nga yung ginawa ko pero anou, nadala lang naman ako. Nadala ako sa mga narinig ko” mukhang natataranta pa si Max sa mga pinagsasabi nya kaya naman tinaasan ko sya ng kilay. Ni hindi nya nga magawang i-steady ang mga mata nya habang nagsasalita.
“Ha? Dooyuu imi deshoo ka?” (What do you mean?) naguguluhan na ako sa sinasabi ni Max kaya napataas na lang ang kilay ko sakanya at nangunot na ng tuluyan ang noo ko. Samin na nga nakatingin yung tatlo e.
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013