WIFEY 37: Anticipation To Antsy
MAX’S POV
Ibinalibag ko sa kama ko ang hawak kong tube dress na kanina lang ay suot-suot ko. Tinitigan ko ng masama si Eula at Zet na nakatayo lang sa likuran ko while flashing me a playful smile. Iniikot-ikot pa ni Eula sa kamay nya ang hawak nyang brush- mukhang paint brush sa mukha (-_-“) kanina pa yan kung anu-anong dinudutdot sa mga drawers dito tapos lahat ng make up nya dinala dito sa kwarto. Guys, you should pity me. Ayokong maging canvas ang mukha ko!
I sighed gaining all my scattered composure through the entire place.
“What? Isn’t it amazing?” maarteng pambubuska sakin ni Eula habang nakanguso sa mga dress na nasa harapan ko.
“Amazing? You call these dresses amazing? Just wow” I sarcastically said while throwing myself down on the bed. Nakabath throbe ako kaya naman hindi ako natatakot na makitaan nila ng kaluluwa.
“Maganda naman Dono a~ ayaw mo ba?” tanong ni Zet habang umiinom ng hot choco nya. Tiningnan ko sya nang maupo sya sa gilid ng kama. I fake a scowled and shut my eyes.
Hindi ko maintindihan kung bakit hirap na hirap ako sa pagpili ng susuotin ko for this night. It’s like I’m going to some award ceremonies and all na talagang pinaghahandaan ko pa ang outfit ko. Sa dami naman kasi ng binili ni Eula sa mall, wala talaga akong magustuhan dahil lahat kinulang sa tela.
Sino namang tao ang magiging komportable sa ganun? Baka pagnakita pa ako ni Steve na ganun ang suot, pauwiin ako ng wala sa oras.
“Maganda nga but it really is not my style. Wala na bang ihahaba ang mga dress na yan? Kahit hanggang tuhod manlang”
“Above the knee?” tanong ni Zet. Nagtinginan naman sila ni Eula na parang ready na sa plano.
“*sigh* Okay, tanggap na”
Excited na lumabas ang dalawa sa kwarto ko leaving me together with these mountain of make ups, curlers and I don’t know. I can’t name them all. Hindi naman kasi ako gumagamit ng mga ganyang pangkolorete sa mukha.
This is the night na makikilala ko na rin ang pamilya ni Steve, ang daddy at kapatid nya. Ano kayang itsura ng daddy nya? Siguro kamukhang-kamukha nya rin na sobrang chinito (>_<) tapos yung kapatid nya ganun din, though, sa motherside naman. Hmm.. siguro malaki din ang katawan at matangkad na lalaki. Malaking tao rin kasi si Steve kaya nga pag magkasama kami feeling ko ang liit na ng katawan ko. Psh.
“Max..” napatingin ako sa pinto matapos itong bumukas ng malawak. I saw the two girls leaning against the door frame wearing a wide smile. Napadapo ng dahan-dahan ang mata ko sa hawak nilang dress. “..approve?”
![](https://img.wattpad.com/cover/5817210-288-k690677.jpg)
BINABASA MO ANG
BOOK 1: I'm His Gangster Wifey (Completed)
ActionSERIES 1 || Dying to know; afraid to find out. ©2013