Sharmaine's First Day

143 2 0
                                    


Chapter 3

Alas kwatro ng madaling araw nagising si Sharmaine. Halos tatlong oras lamang ang kanyang tulog pero gising na gising na ang kanyang diwa. Nasasabik na siya sa buong araw na pagsasama nila ni Adrian. Mabilis siyang kumilos at nag-ayos ng kanyang mga gamit saka bumaba sa kanilang kusina para maghanda ng agahan ngunit nagulat siya nang makita na andun na ang kanyang lola at naghahanda na ng agahan.

Nilapitan niya ito at niyakap.

Lola, hindi na po ninyo ito kailangan gawin. Kaya ko na po ito.

"Apo, mahal kita. Kaya kahit kaya mo na ipagluto ang sarili mo ay ipagluluto pa din kita. Lalo na at alam ko na mapapagod ka buong araw."

Niyakap ni Sharmaine ng mahigpit ang kanyang lola.

Mahal na mahal kita, Lola. Pati si Lolo...

"Umupo ka na diyan at kumain. Etong inihahanda ko ay para sa buong araw mo na sa labas."

Sumunod naman si Sharmaine at habang kumakain ay may naisip siyang gawin.

Lola, madami po ba yung iniluto ninyo?

"Ipinagbalot ko na din si Adrian kaya hindi mo na din kailangan problemahin pa ang kakainin niya."

Sobrang naligayahan si Sharmaine kaya muli niyang niyakap ang lola at hinalikan sa pisngi.

"Mag-iingat ka, Apo. Saka palagi kang magtetext."

Tumango lang naman si Sharmaine at muling hinalikan ang kanyang pinakamamahal na lola.

^#######^

Nagising si Adrian ng alas singko ng umaga. Mabilis siyang naligo at nag-ayos ng sarili bago niya tiningnan ang kanyang cellphone. Nag-alala siya dahil hindi pa nagtetext si Sharmaine. Baka hindi ito sanay magising ng maaga. Iniisip niya kung tatawagan ba niya ito o magdadahilan na lang siya sa kanyang manager kaya hindi siya makakarating sa oras.

Huminga siya ng malalim at sinisi si Migs. Bakit ba kasi niya hinayaan na bigyan siya nito ng mayaman na personal assistant?

Napagpasyahan ni Adrian na maghintay pa ng kaunti at magkape na muna para hindi mainip. Ngunit nang lumabas siya sa kanyang silid ay nagulat siya nang makita na naroon na si Sharmaine. Natigilan siya sa may pintuan. Inakala niyang nananaginip lang siya pero naalala niyang hindi naman nagbabago ang panaginip niya.

"Kanina ka pa ba?" tanong niya sabay lapit kay Sharmaine na may inaayos sa kusina.

Umiling naman si Sharmaine at doon lang napansin ni Adrian kung ano ang ginagawa nito sa kusina. May dala itong isang tupperware na may laman na agahan.

"Hindi ka na dapat nag-abala pa. Pwede naman tayo kumain sa labas," nahihiyang sabi ni Adrian.

Tinitigan siya ng masama ni Sharmaine saka nagsulat sa kanyang notebook.

Kainin mo na lang. Inihanda ito ni lola para sa'yo.

Lalo naman nahiya si Adrian.

"Naabala pa tuloy siya ng dahil sa akin."

Umiling naman si Sharmaine.

Maaga naman kasi talagang nagigising si lola at madalas niya din talaga kami ipagluto ng agahan kaya idinamay ka na din niya. Kainin mo na lang ito, okay?

"Salamat," sabi ni Adrian sabay kuha ng iniabot na pinggan ni Sharmaine.

Umupo na siya sa maliit niyang hapag at nag-umpisang kumain pero napatigil siya nang umupo si Sharmaine sa tapat niya at tinitigan siyang kumain.

In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon