Chapter 20
Sigurado ka ba na okay lang dito na muna tayo sa rest house nyo?
Tanong iyon ni Sharmaine habang nakaharang siya sa pintuan ng rest house ni Adrian.
Hindi ba dapat nagpapahinga ka kasama ang pamilya mo? Nilalagnat ka pa. Hindi ka pa malakas. Baka may mangyari sa'yo na masama dito.
"Hindi mo naman ako pababayaan," sabi ni Adrian na nakangiti. "Nagugutom na ko. Pwede na ba tayo pumasok?"
Napabuntung-hininga na lang si Sharmaine at tumabi na para mabuksan ni Adrian ang pintuan.
Dumiretso si Adrian sa kusina pero nang binuksan niya ang ref ay nadismaya siya dahil walang kahit na anong laman iyon.
Magpahinga ka na muna doon sa kwarto. Magpapadeliver na lang tayo. Bukas mamimili ako para may maayos tayong makain.
"Sasamahan kita bukas," sabi ni Adrian. "Ang tagal ko na din na hindi nakakalabas."
Hindi ka pwedeng magpagod.
Itinabi ni Adrian ang kanyang notebook.
"Hindi ako mapapagod basta kasama kita. Saka bakit nagsusulat ka pa din sa notebook mo? Hindi ba noong naaksidente ako sinigaw mo ang pangalan ko? Hindi ba nakakapagsalita ka na ulit?"
Kinuha ni Sharmaine ang notebook niya.
Hindi ko na ulit magawa. Saka parang mas gusto ko na din na ganito.
"Gusto ko marinig ang boses mo," seryosong sabi ni Adrian sabay hawak sa mga kamay ni Sharmaine. "Hindi mo na kailangan pang matakot, Maine."
Umiling naman ang dalaga at nagbagsakan ang kanyang mga luha at alam ni Adrian ang dahilan ng mga luhang iyon. Noong ikulong sila ni Paolo ay tinakot nito si Sharmaine na kapag nag-ingay siya ay papatayin niya si Adrian. At sa tuwing maririnig niya si Sharmaine na umiiyak o nagsasalita ay sinasaktan niya si Adrian at doon na nga unti-unting nawala ang kanyang boses.
"Wala ng mananakit sa akin, Maine."
Muling umiling si Sharmaine at nagsulat sa kanyang notebook.
Ayoko na muna umiyak. Hayaan mo na lang muna ako. Saka ko na lang ulit susubukan kapag magaling ka na.
"Promise?"
Nakipag-pinky promise si Sharmaine sa kanya.
Pizza na lang muna tayo?
Tumango lang si Adrian at mukhang hinang-hina na siya.
Matulog ka na muna. Gigisingin kita pagkadating ng delivery.
Si Adrian naman ang umiling pagkatapos ay tumabi siya kay Sharmaine at inihilig ang kanyang ulo sa balikat nito.
Dito na lang ako iidlip. Gusto ko sabay natin kunin ang pizza sa delivery man.
Napangiti naman si Sharmaine at tinapik-tapik ang kamay ni Adrian hanggang sa makaidlip ito.
^##################^
"Ah... namiss ko ang ganitong pagkain..." masayang sabi ni Adrian nang maka-apat na slice ng pizza.
Masaya naman si Sharmaine na makitang nagkaroon ng kaunting kulay at sigla ang mukha ni Adrian.
"Busog ka pa ba? Bakit hindi ka masyadong kumakain?"
Nakakabusog ka na kasi panoorin. Ano pala ang gusto mong kainin bukas?
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanficSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...