Chapter 9
"Magkakilala kayo?" tanong ni Adrian na may pagkagulat.
"Oo," sabi ni Paolo na hindi makapaniwalang nasa harapan niya ang isa pang bata na gusto niyang paghigantihan. Kung lalapitan ka nga naman ng swerte. Pero nakilala siya ng babae kaya kailangan magpanggap siya ng mahusay sa harapan nito. "Pero hindi maganda ang naging unang pagkikita namin. Adrian, maaari ba kaming mag-usap muna sa labas?"
"Dito na lang kayo mag-usap," sabi ni Adrian. "Nasa parking lot na naman si Kuya Erwin. Doon ko na lang kayo hihintayin."
"Salamat," sabi ni Paolo pero bago pa man makahakbang si Adrian ay hinawakan na siya ng mahigpit ni Sharmaine. Nakikita ni Paolo na bagamat may galit sa mga mata nito ay mas higit pa rin ang kanyang pagkatakot.
Mamaya na tayo mag-usap.
Isinulat ni Sharmaine sa kanyang notebook na muli naman ikinagulat ni Paolo.
"Ayaw mo lang ba talaga akong kausapin o hindi ka talaga nakakapagsalita?"
Lalong sumidhi ang galit sa mga mata ni Sharmaine. Isang sagot na sapat na para lay Paolo. Masaya siya sa mga natuklasan sa mga batang gusto niyang paghigantihan. Kahit papaano pala ay pinapaburan siya ng langit. Ngunit hindi pa din sapat iyon na kabayaran sa lahat ng nangyaring kamalasan sa buhay niya. Dapat lalo pa silang maghirap at magagawa niya lang iyon kung hahabaan pa niya ang kanyang pasensya para makuha ang tiwala ng dalawa at ng kani-kanilang pamilya bago siya gumanti. Natitiyak niyang magpapaluha ng dugo ang dalawang batang iyon kapag dumating ang oras na iyon.
"Matagal na ba kayong magkakilala?" sabi ni Adrian. "Matagal na din kasi mula ng mawala ang boses ni Maine. Kaya kung hindi mo alam na hindi siya nakakapagsalita malamang nagkakilala kayo more than thirteen years ago, tama ba? At mukhang sobrang laki ng misunderstanding ninyo dahil ngayon na lang ulit kayo nagkakitaan."
"Matagal na noong huli kaming magkita," sabi ni Paolo na kunyari ay nalulungkot. "Sorry, Sharmaine, hindi ko alam na nawalan ka ng boses."
Tinitigan ng masama ni Sharmaine si Paolo at tila ba maluluha na ito sa sobrang galit kaya hinila na niya si Adrian palabas ng unit nito.
^#######^
Ramdam ni Adrian ang tensyon sa pagitan nina Sharmaine at Paolo pero naniniwala pa din siya na sa hindi kalaunan ay matututunan din nilang makapagpatawaran at magkasundo dahil batid niya na parehong mabuting tao ang dalawang personal assistant niya.
"Maine, ikaw na ang bahala kay Paolo," sabi ni Adrian. "Ikaw naman, Paolo, huwag mo pahirapan si Maine."
Tumango lang ang dalawa kahit pa halata na lalong tumitindi ang tensyon sa pagitan nila.
"Kuya Erwin, galingan mo mag-referee," pahabol pa ni Adrian at si Kuya Erwin ay nag-thumbs up lang.
Kaya si Adrian ay nagtungo na sa recording booth.
^#######^
Sumunod ka sa akin.
Ipinabasa ni Sharmaine kay Paolo pagkatapos ay bumaba na siya sa sasakyan at nagtungo sa canteen ng music studio. Malakas ang music doon kaya maaari silang makapag-usap ng walang ibang makikiusyoso.
Kailan ka pa nakalaya?
"Mga isang buwan na din," sabi ni Paolo at hindi maintindihan ni Sharmaine ang biglang pagbabago ng tingin sa mga mata nito.
Noong huli niya itong makita, puno ng galit ang mga mata nito at hinding-hindi niya makakalimutan ang sinabi nito.
Huwag mo ng ituloy...
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...