Chapter 28
"Ang ikli ng bakasyon natin," sabi ni Sharmaine habang nakaupo sa dalampasigan at nakahilig ang ulo sa balikat ni Adrian.
"Kahit papaano naman nakapagpahinga tayo ng ganito," sabi ni Adrian habang nakatitig sa sumusikat na araw. "At napanood natin itong pagsikat ng araw. Ang ganda talaga pagmasdan nito lalo na kapag nasa dalampasigan."
"Try natin umakyat ng bundok minsan, Eyd. Tapos doon naman natin pagmasdan ang pagsikat ng araw. Maganda din doon, hindi ba?"
"Sige," sabi ni Adrian na kislap ng pagkamangha sa kanyang mga mata habang nakatitig sa araw. "Nakakadagdag ng lakas ng loob ang ganitong tanawin."
Tumango lang naman si Sharmaine saka ipinulupot ang mga braso sa braso ni Adrian na nakapatong sa nakabalauktot nitong tuhod.
"Maine, salamat at nakakapagsalita ka na," sabi ni Adrian habang nakatitig dito na may napakagandang ngiti. "Mag-duet tayo sa banda?"
"Nahihiya ako," sabi ni Sharmaine na pinamulahan ng pisngi.
Lumapad naman ang ngiti sa labi ni Adrian saka kinuha ang mga kamay ng dalaga at mahigpit na hinawakan ang mga iyon.
"Magsasanay na muna tayo bago natin gawin sa entablado. Hanggang sa masanay ka na humarap sa mga tao gawin na muna natin sa harap ng mga taong mahal natin."
"Nakakahiya pa din," sabi ni Sharmaine na lalong namumula ang mukha. "Mag-duet na lang tayo kapag tayo lang dalawa. Hindi ko naman kailangan kumanta sa harap ng mga tao."
"Pero gusto ko na pareho tayong kumanta sa harap ng mga tao," seryosong sabi ni Adrian. "Mas magiging masaya ako sa entablado kapag sinabayan mo akong kumanta."
Napabuntung-hininga naman si Sharmaine saka ngumiti kay Adrian.
"Payag ka na?"
Tumango lang si Sharmaine ngunit sobrang naligayahan na doon si Adrian kaya niyakap niya ng mahigpit ang dalaga saka hinalikan sa noo.
"Salamat, Maine."
"Basta saka na tayo kakanta kapag sanay na sanay na ako, ha?"
Si Adrian naman ang tumango sa pagkakataong iyon.
"Kinakabahan na tuloy ako ngayon pa lang," sabi ni Sharmaine at halata nga sa kanyang mga mata ang pagkabahala.
"Huwag mo na muna isipin ang tungkol sa duet sa ngayon," sabi ni Adrian na muling hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ni Sharmaine. "Isipin na lang natin ngayon kung paano sasabihin sa mga Lola mo at sa mga kaibigan natin na naibalik mo na ang boses mo."
Muling huminga ng malalim si Sharmaine saka ngumiti.
"May naisip na ako," sabi nito na may nakakalokong ngiti.
"Ano?"
"Sasabihin ko sa'yo pagkabalik natin doon sa kwarto natin," sabi ni Sharmaine. "Kailangan na din kasi natin ayusin ang mga gamit natin. Dapat makauwi tayo bago magtanghali."
Tumango lang ulit si Adrian saka hinila si Sharmaine pabalik sa kanilang silid.
^###############################################^
"Apo, kamusta?" tanong ni Lola Tin-Tin nang makapasok na sila ni Sharmaine sa silid nito. "Alam na ni Adrian?"
Tumango lang si Sharmaine at si Lola Tin-Tin naman ay kinilig.
"Nagulat ba ng husto?"
Tumango lang ulit si Sharmaine at tinakpan ang bibig ng kanyang Lola nang muntik na itong tumili sa pagkakilig.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...