Chapter 1
Isang magandang araw ang bumungad kay Adrian. Makulimlim at may kalamigan ang simoy ng hangin. Uulan. Gusto niya kapag bumabagsak ang ulan. Nakakaramdam siya ng kakalmahan na hindi niya mahanap sa kahit na anong bagay. Sa araw na iyon wala siyang balak kung hindi maupo sa kanyang pinakapaboritong lugar, pakinggan at pagmasdan ang pagbagsak ng ulan, kumanta para sa kalikasan na hindi kailanman manghuhusga sa kanyang kakayahan, at mag-relax. Bukod sa ulan gusto niya din ang mga pagkakataon na mag-isa lang siya dahil hindi niya kailangan bantayan ang mga kilos at salita niya. Hindi naman sa nagpapanggap siya sa harap ng ibang tao. Totoo naman ang ipinapakita niya sa kanila. Iba lang din talaga kapag malaya kang gawin kung ano ang gusto mo. Yung tipong walang taong nanonood sa iyo, na ang iba ay naghihintay lamang na magkamali ka at mapabagsak ka.
Kung siya lang sa sarili niya matagal na niyang iniwan ang pagkanta. Matagal na siyang namundok at nagtanim na lamang ng palay. Pero kailangan niyang tuparin ang pangako sa yumao niyang ina. Hindi niya kailanman itatago ang kanyang talento. Kaya kakanta siya hanggang may taong gustong marinig ang boses niya. Dahil alam niya kasama ng fans niyang makinig ang pinaka-orihinal at pinakamasugid niyang tagahanga. Ang kanyang ina. Ang pinakamamahal niyang ina.
Ipina-cancel ni Adrian ang lahat ng schedule niya para sa araw na iyon at dahil alam ng manager niya na wala na itong magagawa kapag nakapagdesisyon na siya ay pinayagan na lamang siya nito.
"Migs, pwede ko ba pareserve ung paborito kong pwesto?" tanong niya sa pinakamatalik niyang kaibigan pagkatapos niyang tawagan ang kanyang manager.
"Ah, sige, tol," sagot nito sa kabilang linya. "Sakto kaunti lang ang tao ngayon dito. Hindi ako mahihirapan i-reserve sa'yo yung lugar."
"Salamat, Migs," nasasabik niyang sagot. "Papunta na ko diyan."
"Sige, ingat ka," sabi nito na tila ba nasasabik.
"Teka, parang hindi ko gusto ang tono ng boses mo. May itinatago ka ba?"
"Wala," sabi nito pero hindi talaga maitago ang pananabik sa boses.
"Sabihin mo na," sabi ni Adrian na hindi na natutuwa. "Gusto kong mapag-isa ngayon, Migs. Ayoko ng abala."
"Alam ko, Eyd," sabi nito at itinigil na nito ang mapanuksong boses. "May ipapakilala lang ako sa'yo pero pangako hindi ka niya aabalahin. Kaibigan ko din kasi siya at dahil pupunta naman din kayo pareho dito gusto ko na din magkakilala kayo."
"Sige," sabi ni Adrian na napanatag na. "Mamaya na lang ulit."
^#######^
Nagtataka man sa biglaang pagtetext ng kaibigan na si Miguel, sinunod pa din ni Sharmaine ang hiling na pumunta sa restaurant nito. Ngayon lang kasi ang unang beses na pinapunta siya nito ng biglaan at sa kadahilanang namimiss siya nito. Hindi naman ganoon si Miguel. Hindi siya malambing at hindi siya nagpapapunta sa restaurant niya kung wala naman okasyon. Kaya hindi maiwasan ni Sharmaine na mabahala. Maaring may inindang problema ang kanyang kaibigan.
Mabuti at malapit lamang ang restaurant nito sa kanyang bahay kaya nakarating siya agad. Pagkapasok pa lang niya sa pintuan ay agad na siyang niyakap ng kaibigan at dinala sa paborito niyang lugar. Sa azotea ng restaurant sa second floor. Pinaupo siya nito sa pinakamalapit sa veranda at muling niyakap. Lalo tuloy siyang nagtaka.
"Dito ka lang muna, ha?" sabi nito nang itaas ni Sharmaine ang isang kilay. "Babalik ako. Dadalhan kita ng mga paborito mo."
Itinaas pa lalo ni Sharmaine ang isa niyang kilay at ipinagkrus ang kanyang mga braso.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanficSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...