Chapter 4
Matapos ihatid si Sharmaine ay napagpasyahan ni Adrian na dumaan na muna sa isang convenience store. Bumili siya ng pagkain dahil parang nagugutom pa siya at dahil late na ay hindi na siya makakadaan ng supermarket at makakapagluto. Pagod na din kasi siya kaya bumili na lang siya ng instant na makakain. Ibinili na din niya si Kuya Erwin para may makain ito pagkauwi.
"Naku, Adrian, hindi ka na dapat nag-abala pa," sabi ni Kuya Erwin nang iabot niya dito ang isang maliit na kahon ng pagkain. "Madami naman po akong nakain kanina sa party. Saka sigurado pag-uwi ko may iniluto na po ang misis ko."
"Huwag ka ng mahiya," sabi ni Adrian. "Nagugutom na kasi ako kaya alam ko ikaw nagugutom ka na din. Samahan mo na ako na kumain para pag-uwi natin matutulog na lang tayo."
Hindi na nakatanggi pa si Kuya Erwin at habang kumakain sila sa parking lot ng convenience store ay may napansin si Adrian sa kabilang kalsada.
Isang babae na nasa mga edad fifty ang nakaluhod doon at namumulot ng mga nalaglag na gamit sa nasirang plastic na bitbit nito. Mabilis naman na lumabas si Adrian ng kotse para tulungan ang babae. Nagulat nga ito nang lumapit siya pero nang makitang gusto lamang tumulong ni Adrian ay nawala na ang pagkabahala sa mukha nito.
Doon napansin ni Adrian na sirang mga damit ang nahulog sa plastic at iba't ibang uri ng mga dahon na mukhang mga halamang gamot.
"Nay, malalim na po ang gabi. Hindi na po dapat kayo naglalakad ng mag-isa sa kalsada. Ang dami pa naman po ninyong dala," sabi ni Adrian at sinamahan niyang tumawid ang babae. "Saan po ba kayo nakatira. Ihahatid ko na po kayo?"
"Naku, huwag na. Nakakahiya sa iyo, iho. Malapit na lang naman ang bahay namin dito."
"Sasamahan ko na po kayo," giit ni Adrian at isinama niya ang babae sa kanyang kotse.
"Naku, huwag na po talaga. Nakakahiya po. Ang dumi ko po," sabi ng babae na halata ang sobrang pagkahiya pero inilagay na ni Adrian ang lahat ng plastic na dala nito sa loob ng kanyang sasakyan.
"Tara na po. Hindi naman po kaso iyon. Sasakyan lang naman po ito."
"Pero..." hindi na nakapagsalita pa ang babae dahil kinuha na ni Adrian ang kamay nito.
"Tara na po," sabi niya. "Huwag na po kayong mahiya dahil hindi ko naman po kayo sisingilin."
"Hindi po ba kayo natatakot sa akin?"
"Hindi naman po kayo nakakatakot," sabi ni Adrian. "Bakit po ang dami ninyong dala? Saka bakit po ganito ka-late nasa labas pa po kayo?"
"Etong mga retasong ito ginagawa ko kasing mga basahan para maitinda," sabi ng matanda na nahihiya. "Eto namang mga dahon...para sa apo ko. Sakitin kasi ang batang iyon at itong mga dahon na ito ang nakakatulong sa kanya para makaramdam ng ginhawa. Inaabot talaga ako ng ganitong oras lalo na pag kakaunti lang ang naibenta kong basahan. Hindi kasi ako makapamasahe kapag ganun. Kailangan ko kasing tipirin iyon para sa pagkain namin ng apo ko."
Pinipigilan ng babae ang maiyak at ganoon din si Adrian.
"Kuya Erwin, pag may nakita kang convenience store tigil tayo ulit," sabi ni Adrian dahil nakalayo na sila sa pinanggalingang convenience store bago iyon nasabi ng matandang babae.
^#######^
Bumili ulit si Adrian ng dalawang kahon ng instant kanin at ulam pati na din ilang de lata at ibinigay sa babae.
"Gusto ko lang po makatulong kahit papaano kaya hayaan nyo na lang po ako," sabi ni Adrian sa babae na tuluyan ng naluha.
"Iho, maraming salamat," sabi ng matanda. "Malaking tulong na ito sa amin."
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...