Chapter 30
Hindi makapaniwala si Paolo sa bilis ng mga pangyayari ngunit nang bumagsak ang stage light kina Adrian at Sharmaine ay mabilis siyang tumakbo para iangat iyon. Tinulungan din siya nina Migs, Francis, at Vince kaya mabilis nilang naiangat ang isang linya ng stage light na dumagan sa dalawa.
"Adrian!!!" sigaw nilang tatlo nang makita nila na wala ng malay ang kanilang kaibigan at may umaagos na dugo mula sa ulo nito.
Binuhat ni Paolo si Adrian at mabilis na itinakbo sa sasakyan nito.
^##########################################^
"Eyd..." bulong ni Sharmaine habang tumatakbo kasunod nina Paolo, Migs, at Francis. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Parang nangyayari ulit ang nangyari noon sa kanila ni Paolo. Ganito din kalala ang lagay niya. Ganito kadaming dugo ang umaagos mula sa sugat niya sa ulo.
Bakit kailangan mangyari ulit ang ganito kay Adrian?
Bakit...?
Napaluhod si Sharmaine sa parking lot at napahawak sa naninikip niyang dibdib.
"Maine..." sinubukan siyang alalayan ni Francis ngunit hindi niya talaga kaya ang tumayo. Nanginginig ng husto ang kanyang mga tuhod at hindi siya makahinga ng maayos.
"Si Adrian..." maging ang kanyang boses ay nanginginig.
"Kailangan mong magpakatatag para sa kanya," sabi ni Francis na sinubukan siyang buhatin ngunit umiling siya at hinayaan na lamang ang sarili na maalalayan ng binata hanggang sa kanilang sasakyan.
"Magiging maayos lang si Adrian," sabi ni Francis habang papunta sila sa ospital. "Lagi naman siyang nagiging okay pagkatapos ng lahat ng pagsubok na pinagdadaanan niya, hindi ba?"
Ayaw ni Sharmaine na umiyak ngunit ayaw magpapigil ng mga luha niya sa pagbagsak.
"Maine..."
"Natatakot ako..." sabi ni Sharmaine na napahawak ulit sa nananakit niyang dibdib. "Natatakot ako, Francis... Ayokong mawala si Adrian... Hindi ko kaya..."
"Ano ka ba, Maine? Hindi mamamatay si Adrian," sabi ni Francis habang tinatapik ang kanyang likuran. "Ang lakas kaya ng lalakeng iyon."
Pero hindi magawang kumalma ni Sharmaine. Patuloy lang sa pagbagsak ang kanyang mga luha hanggang sa makarating sila sa ospital.
"Dito ka lang," sabi ni Francis nang lumabas siya ng sasakyan pero umiling si Sharmaine at sumunod sa kanya.
"Maine, mabuti pa kung magpahinga ka na muna sa sasakyan."
"Gusto kong makita si Adrian," sabi niya sabay punas sa kanyang mga luha. Unti-unti na siyang kumakalma. "Please, Francis..."
"Okay ka na ba talaga? Baka maospital ka din niyan?"
"Ayos na ako," sabi niya sa kabila ng pagkabog ng kanyang didbdib.
^#####################################^
"Paolo, ano'ng balita?" tanong ni Francis nang makarating sila sa tapat ng operating room.
"Wala pang lumalabas," sabi ni Paolo na hindi mapalagay. "Labinglimang minuto pa lang naman ang lumilipas mula nang ipasok nila sa operating room si Adrian."
"Ano'ng nangyari?" tanong ni Mr. Richard na humahangos kasama si Migs. "Bakit nasa operating room na naman ang anak ko?"
Muling nagbagsakan ang mga luha ni Sharmaine nang makita ang pagluha ng ama ni Adrian.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...