Longing

23 2 0
                                    


Chapter 17

"Maine, apo, galit ka ba kay Ate Nida?" tanong ni Lola Tiara nang tabihan siya nina Sharmaine at Lola Tin-Tin sa sofa pagkadating ng mga ito galing sa ospital.

Umiling naman si Sharmaine saka nagsulat sa kanyang notebook.

Kamusta na po siya?

"Malungkot," sabi ni Lola Tiara na nalulungkot din. "Kapag naaalala niya talaga ang nangyari sa mga magulang mo parang pinagsasakluban siya ng langit at lupa. Sobrang sakit sa kanya ng nangyari sa mga magulang mo kaya ganoon na lamang ang galit niya Sharmaine. Sana intindihin mo na lang si Ate Nida. Mahal na mahal ka niya kaya itong hindi ninyo pagkakaintindihan talagang nakakadagdag sa sakit ng kalooban niya. Kausapin mo na siya."

Malungkot na ngumiti si Sharmaine saka nagtungo sa silid ng kanyang Lola Nida. Kakatok na sana siya sa pintuan nang lumabas si Lolo Jose. Nagulat ito nang makita siyang nakatayo sa tapat ng pintuan.

"Kakausapin mo ba ang Lola mo?"

Tumango si Sharmaine.

"Pumasok ka na," sabi ni Lolo Jose na may maliit na ngiti. "Kanina ka pa niya gustong makausap."

Ngumiti naman pabalik si Sharmaine at niyakap ng mahigpit ang kanyang Lolo Jose. Niyakap din naman siya nito pabalik at banayad na tinapik-tapik sa kanyang likuran.

"Hindi ako nagagalit sa'yo, Apo. Pati si Lola Nida mo hindi nagagalit sa'yo. Kaya sana huwag kang magagalit sa amin."

Tumango naman si Sharmaine at lalong hinigpitan ang yakap sa kanyang pinakamamahal na Lolo bago bumitaw dito at pumasok na sa silid ng kanya Lola Nida.

^############^

Nakaupo si Lola Nida sa kama habang hawak ang isang picture frame. Lumuluha siya habang nakatingin sa larawan ng mga magulang ni Sharmaine.

Tinabihan siya ni Sharmaine sa kama at niyakap pero sa halip na tumahan ay lalo lamang umiyak ang kanyang Lola Nida.

Ramdam ni Sharmaine ang lalim ng kalungkutan ng kanyang Lola Nida pero wala siyang magawa para mapagaan ang kalooban nito kaya hinayaan na lamang niya ito na umiyak sa kanyang mga bisig.

^############^

"Ang nangyari sa mga magulang mo... alam ko na isa lang aksidente..." umpisa ni Lola Nida matapos nitong maubos ang kanyang mga luha. "Pero nahihirapan akong tanggapin iyon hanggang ngayon dahil ang nakabangga sa kanila ang tatay ng isa sa mga pinangakuan nilang hahanapan ng organ. Namatay silang tatlo sa aksidenteng iyon... humingi ng patawad ang kanyang asawa... at nagmakaawa siya na iligtas ko ang kanyang anak... Hindi ko kaya, Apo... Hindi ko kayang iligtas ang anak nila habang ako... tayo... mangungulila habang-buhay sa mga magulang mo. Hindi ko kayang makita silang lahat na masaya... habang tayo nagluluksa...

"Para sa akin... noong mga panahong iyon... tama ang desisyon ko... Wala akong pakialam sa mga buhay na hindi nailigtas... Pakiramdam ko... kahit nawalan din sila ng mahal sa buhay... hindi pa din iyon sapat para matumbasan ang sakit na naramdaman ko sa pagkawala ng mga magulang mo... Naging napakasama ko sa kanila, hindi ba? Hindi man lang ako nakaramdam ng pagkakonsensya... Lalo pa nga akong nagalit dahil sa ginawa ni Paolo sa'yo. Ang pagkakakulong niya... parang hindi pa sapat para sa akin... maging ang pagkamatay ng kanyang kapatid dahil sa hindi na ito nakapaghintay pa ng kidney donor... para sa akin... noong mga panahong iyon... nararapat lang iyon para sa kanya... dapat lang siyang magdusa dahil sa ginawa niya sa'yo... gusto ko pa na magdusa siya ng husto... pero pinigilan lang ako ng mga kapatid ko ang ng Lolo Jose mo... At sa ibang bansa... unti-unti kong nakalimutan ang galit ko... at ibinuhos ko na lamang sa inyong magkapatid ang lahat ng oras at pagmamahal ko...

In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon