Letter

27 2 0
                                    


Chapter 18

"Aling Elena, maaari ko po bang dalawin si Baste?" tanong ni Paolo na kinakabahan. Kakalabas lang niya sa ospital. Hindi kasi siya pinayagan ni Dr. Allan na makalabas hanggang hindi siya nakakalakad ng maayos.

May dala siyang grocery supplies para kay Aling Elena at Baste.

"Aling Elena... patawarin po ninyo ako sa nagawa ko kay Pia. Maniwala man po kayo o hindi pero minahal ko talaga ang anak ninyo. Sinubukan ko pong maging mabuting kasintahan sa kanya. Hindi ko lang talaga kinaya ang nangyari sa kapatid ko," sabi ni Paolo na naninikip ang dibdib at nag-umpisa na din magbagsakan ang kanyang mga luha. "Patawad po.... nagpatalo ako sa takot ko... Patawad po... nasaktan ko kayo ni Pia... Patawad po..."

Napaluhod na si Paolo sa sobrang sakit ng kanyang dibdib. Sobra niyang pinagsisisihan ang nagawa noon.

"Patawad po..."

Lumuhod si Aling Elena sa kanyang harapan at niyakap siya ng mahigpit. Lalong napaluha si Paolo at ganoon din si Aling Elena.

^#################^

"Tatay?" gulat na sambit ni Baste nang pumasok sina Paolo at Aling Elena sa kanilang tahanan.

Nagbabasa ito ng recipe book sa may hapag-kainan kung saan nakakalat na ang mga sangkap para sa lulutuin nila sa araw na iyon.

"Baste... anak ko..."

Mabilis na binitiwan ni Baste ang libro para itulak ang kanyang wheelchair palapit sa kanyang ama. Sinalubong naman siya ni Paolo para yakapin ng mahigpit. Parang muli niyang nayakap si Philip at si Pia kay Baste. Lahat ng sakit at bigat sa kalooban niya ay nawala. Para siyang lumulutang sa sobrang kaligayahan.

"Tatay... salamat nandito ka na..." parang musika sa tenga ang mga salitang iyon ni Baste.

"Anak ko..." sambit ni Paolo na walang ibang masabi. Gustung-gusto niya ang mga salitang iyon sa kanyang bibig. "Anak ko... salamat... nayakap na din kita ng ganito..."

^#################^

"Tatay, dito na po ba kayo sa amin titira?" tanong ni Baste habang nagluluto sila ng pananghalian para buong village.

"Hindi pa muna, anak," sabi ni Paolo habang naghihiwa ng mga gulay. "May mga bagay pa akong dapat asikasuhin doon sa unit ni Kuya Adrian mo."

"Tatay, pupuntahan po namin mamaya nina Lola at Tito Gio si Kuya Adrian. Sasamahan mo po kami, di ba?" tanong ni Baste na nasasabik.

"Hindi na muna," sabi ni Paolo at ramdam niya ang pagtitig sa kanya ni Aling Elena.

"Bakit, Tatay? Ayaw po ba ninyo akong kasama?"

"May mga aasikasuhin pa kasi ako," sabi ni Paolo habang nakatutok ng husto sa mga hinihiwa niyang gulay. Ayaw niyang mahalata ni Baste na may problema sila ngayon ni Adrian.

"Si Kuya Adrian naman po ang pupuntahan natin," sabi ni Baste sabay tabi sa ama at yakap dito ng may paglalambing. "Sa ibang araw na lang po kayo mag-asikaso ng mga gagawin ninyo."

"Apo, hayaan mo na lang muna ang tatay mo," sabi ni Aling Elena na ipinagpapasalamat naman ni Paolo. Gusto man niyang madalaw din si Adrian pero alam niyang galit pa din ito sa kanya. Ayaw naman niyang sirain ang pagbisita ni Baste sa kanyang kaibigan.

"Pero, Lola..."

"Abala ang tatay mo sa kanyang banda. Ipagpasalamat mo na lang na nandito siya ngayon."

In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon