Makalipas ang anim na buwan...
"Ready na ba kayo?" nasasabik na tanong ni Ms. Aira.
"Siyempre naman, Ms. Ai," sabi ni Francis.
"Si Maine?" tanong ni Ms. Aira na kinabahan.
"Alam mo naman iyon may ritwal palagi bago mag-umpisa ang pagtatanghal natin," sabi ni Migs. "Lalo na ngayong gabi. Kahit ako kinakabahan."
"Ako din," sabi ni Paolo. "Nasasabik ako na kinakabahan."
"Guys, hindi na mangyayari iyon," sabi ni Francis. "Sinigurado naman ng lahat ng narito na maayos ang entablado. Hindi ba, Ms. Ai?"
"Oo," may ngiting sabi ng kanilang manager. "Good luck sa inyo."
"Salamat, Ms. Ai," sabi nilang tatlo at iniwan na sila nito para makapaghanda pa para sa performance nila.
^##############################################^
"Ito ang pinakaunang gabi na ipaparinig namin sa inyo ang mga kanta sa ikatlong album namin," simula ni Francis. "Ngayong gabi din na ito gusto namin kayong pasalamatan sa mainit na pagsuporta ninyo sa una at ikalawang album ng banda namin. Ang aming awitin ay para sa inyong lahat."
"Bukod sa ikatlo naming album may isa pa kaming sorpresa para sa inyo," sabi naman ni Sharmaine. "Pero siguro hindi na din ito masyadong sorpresa dahil sa teaser ng carrier single namin."
Nagsigawan ang mga tao.
"ADRIAN!!! ADRIAN!!! ADRIAN!!!"
Bumukas na nga ang mga ilaw sa entablado para ipakita ang kumpleto na ulit nilang banda.
Lalong lumakas ang hiyawan ng kanilang mga tagahanga na tila hindi napapaos dahil hindi nabawasan ang kanilang hiyawan hanggang sa matapos ang pagtugtog ng kanilang pinakamamahal na banda.
"Maraming maraming salamat po sa suporta," sabi ni Adrian nang matapos ang kanilang pagtatanghal. "Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal para sa kagalingan ko. Maraming salamat po sa paghihintay. Maraming maraming salamat po sa mainit na pagtanggap ninyo sa pagbabalik ko sa bandang ito. Maraming maraming salamat sa inyo... lalo na sa inyo na mga ka-banda ko. Salamat, Migs, Paolo, Francis, at higit sa lahat sa'yo, Maine."
Ngumiti lang naman ang mga ka-banda niya at lumapit na sa kanya para makapag-group hug sila na muling hiniyawan ng kanilang mga tagahanga.
^########################################^
Dumiretso ang banda sa katatapos lamang na village ng build a home foundation. Nakahanda na ang lahat para sa kanilang pagdating. Gumawa pa sila ng maliit na entablado para makapagtanghal kahit sandal lang ang banda nila Adrian.
"Eyd!!!" maligayang salubong sa kanya ni Gio sabay yakap ng mahigpit. "Ang tagal kitang hindi nakita. Sorry hindi na kita nadalaw ulit sa ospital."
"Ayos lang," sabi ni Adrian. "Alam ko naman na abala ka dito sa village. Congrats. Natapos din ito after two years."
"Salamat sa suporta ng inyong banda," sabi ni Gio. "At etong si Baste pinapasikat pa lalo ang village na ito dahil sa talino niya at husay sa pagluluto."
Lumapit si Baste sakay ng kanyang wheelchair at inunat ang kanyang mga braso para imbitahan si Adrian na yakapin siya.
"Kuya Adrian, kumain ka ng madami ha? Ako ang nagluto ng lahat ng iyan para talaga palusugin ka."
"Salamat, Baste," sabi ni Adrian sabay gulo sa buhok ng bata. "Congrats sa achievements mo. Galingan mo pa, ha? Parang si Papa mo."
Tumango lang naman si Baste at lumapit na sa kanyang ama para makipagkwentuhan.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...