He Remembers Her

31 2 0
                                    


Chapter 19

Tahimik na pinagmamasdan ni Adrian ang kanyang ina habang abala ito sa pagtitinda ng mga kakanin malapit lamang sa kanyang paaralan. Halata na ang pagod sa maganda nitong mukha dahil maghapon na itong nagtitinda.

"Mama, ako na ang magtitinda," sabi niya ngunit umiling lamang ang kanyang ina.

"Mama..."

"Wala ka bang takdang aralin?"

"Pwede ko naman po gawin ang mga iyon pagkauwi natin. Tutulungan ko na po kayo. Alam ko po pagod na kayo."

"Huwag na," sabi ng kanyang ina na kahit pagod ay napakaganda pa din ng ngiti. "Bakit hindi mo na lang ako kantahan? Nawawala ang pagod ko kapag naririnig ko ang boses mo."

Ngumiti naman si Adrian saka tumango sa kanyang ina. Tumayo siya sa isang upuan, humarap sa kanyang ina, nilinis ang kanyang lalamunan bago nagsimulang kumanta.

Sana'y di nagmaliw ang dati kong araw

Nang munti pang bata sa piling ni nanay

Nais kong maulit ang awit ni inang mahal

Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing

Ang bantay ko'y tala, ang tanod ko'y bituin

Sa piling ni nanay, langit ay buhay

Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Sa Ugoy ng Duyan ang paborito niyang kantahin para sa kanyang ina. Ito din ang palagi niyang panalangin bago siya matulog. Sana hindi magmaliw ang liwanag ng kanyang pinakamamahal na ina.

Matapos niyang kumanta ay napalingon sila ng kanyang ina sa kanyang likuran nang may marinig silang pumalakpak.

Isa siyang batang babae na may maganda din na ngiti sa kanyang mukha.

"Ang galing mo," sabi ng batang babae. "Maaari ka bang kumanta ng isa pa?"

Tumingin si Adrian sa kanyang ina na may pagtatanong sa kanyang mga mata. Tumango lang naman ito sa kanya.

Kaya inulit ni Adrian ang pagkanta ng Sa Ugoy ng Duyan ngunit napatigil siya nang biglang magbagsakan ang mga luha ng batang babae.

"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Adrian pagkalapit niya sa batang babae nugnit sa halip na sumagot ito ay lalo lamang itong umiyak.

Natakot si Adrian. Hindi niya alam kung ano ang gagawin para mapatahan ang batang babae. Tumingin siya sa kanyang ina ngunit abala ito sa pagtitinda. Bakit ba bigla na lang dumami ang bumibili kung kailan kailangan niya ang tulong ng kanyang ina.

"Bata..."

Muli siyang natigilan nang yakapin siya ng mahigpit ng batang babae.

"Salamat," humihikbing sabi ng batang babae habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

^################^

"Bakit ka ba umiyak kanina?" tanong ni Adrian nang tumigil na ang batang babae sa pag-iyak at masaya na habang kumakain ng sapin-sapin.

"Naalala ko kasi ang Mama at Papa ko nang marinig kitang kumakanta," sagot ng batang babae saka nilunok ang nginunguya bago tumitig kay Adrian.

"Bakit?" tanong niya na naiilang.

"Ako nga pala si Sharmaine," sabi ng batang babae. "Pwedeng Maine na lang."

Ngumiti naman si Adrian saka inabot ang kamay kay Sharmaine saka sinabing, "Adrian, pwedeng Eyd na lang."

In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon