Chapter 25
"Wow, Ms. Aira, kaya ba namin itong schedule na toh?" tanong ni Francis habang binabasa ang limang pahinang papel na ibinigay sa kanila ng kanilang manager.
"Kaya ninyo yan," may sabik na ngiting sabi ni Ms. Aira. "Iniwan ko naman ang lahat ng Sunday na libre para makabawi kayo ng pahinga. Isang buwan na schedule nyo na iyan. Ang mahalaga lang naman on time kayo para hindi magkaroon ng delay sa schedule. Wala naman akong nakikitang problema doon dahil on time naman kayo palagi. Ngayong araw may gig lang kayo mamayang 9pm pero bago at pagkatapos ng event na iyon wala na kayong gagawin kaya maigi pa magrelax na muna kayo. Magkita-kita na lang tayo sa gig ninyo mamaya."
"Thank you, Ms. Aira," sabi nila at nagsilabasan na sila ng office nito.
"Guys, kitakitz na lang later," sabi ni Francis at nauna na siyang umalis.
"Aasikasuhin ko na muna ang restaurant ko," sabi ni Migs.
"Pupuntahan ko lang si Baste," sabi naman ni Paolo.
"Tayo ba?" tanong ni Adrian kay Sharmaine. "Saan tayo pupunta?"
Punta tayo sa inyo.
Nagulat naman doon si Adrian.
"Sa bahay namin?"
Tumango lang si Sharmaine.
"Bakit?"
Tinitigan naman siya ng masama ng dalaga.
"Pumunta na lang tayo sa secret place natin," sabi ni Adrian at bagamat ngumiti si Sharmaine ay umiling pa din ito.
Pupunta tayo sa inyo.
Isinulat niya saka hinila si Sharmaine papunta sa sasakyan niya.
Kuya, ako na po muna ang magmamaneho.
"Sigurado ka?" si Adrian ang nagtanong at hindi si Kuya Lario.
Tumango lang naman si Sharmaine at mukhang hindi na nga siya magpapaawat pa.
"Kuya Lario, sumabay na lang po kayo kay Kuya Erwin. Doon na lang po tayo magkita sa gig."
"Sige," sabi ni Kuya Lario na nakangiti at tila hindi naman nababahala. "Mag-iingat kayo."
Tumango lang si Sharmaine at binuksan na ang makina ng sasakyan.
"Sigurado ka ba talaga?" tanong ulit ni Adrian at tinitigan lang siya ulit ng masama ng dalaga.
Marunong akong magmaneho.
"Alam ko naman," sabi ni Adrian. "Hindi naman iyon ang inaalala ko. Ayoko lang na mapagod ka sa pagmamaneho. Paano kung traffic?"
Basta kasama kita hindi ako maiinip o mapapagod.
Napangiti naman doon si Adrian at tumahimik na lang.
Binuksan niya ang radio at nagulat nang marinig ang carrier single ng banda nila na pinapatugtog.
"Hindi talaga ako makapaniwala," sabi ni Adrian habang nakatingin kay Sharmaine. "Kakalabas pa lang natin ng kanta na iyan pero naririnig na sa radyo. Nakakapanibago talaga."
Okay lang ba sa'yo ang ganito?
Nagsusulat si Sharmaine sa kanyang notebook sa tuwing nakatigil ang sasakyan dahil sa traffic light o dahil matraffic lang talaga.
"Ayos lang sa akin ang kahit na ano basta kasama ko kayo... basta kasama kita," sabi ni Adrian na ikinalapad naman ng ngiti ni Sharmaine.
Ano ba ang pwede ko dalhin para sa papa mo at sa mga kapatid mo?
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...