Worries and Fears

67 4 0
                                    


Chapter 12

Matapos nilang tumugtog sa pinakahuli nilang show sa araw na iyon ay hindi pa din lubos na makapaniwala si Adrian sa dami ng taong nanood sa kanila lalo na sa mga taong nagpapakuha ng litrato sa tabi nila. Dati pagkatapos ng mga show ni Adrian umaalis na siya kaagad pero ngayon hindi na niya magawa dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya at sa mga kaibigan niya. Hindi niya maikakaila na maligaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa kanilang banda lalo na kapag nakikita niya ang mga kasama niya na nawiwili din sa mga taong humahanga sa kanila. Sa loob lamang ng dalawang buwan ay may kanya-kanya na silang fan's club. Kaya hindi pa din maintindihan ni Adrian kung ano ang ginawa nila para kilalanin at mahalin kaagad ng mga tao ng ganito katindi.

Masaya man sa pagyabong ng kanilang karera sa loob ng dalawang buwan ay hindi pa din maiwasan ni Adrian na kabahan. Hindi talaga mawala ang kanyang pagkabahala kahit patuloy lang ang magagandang nangyayari sa kanilang banda. Kapag kasi may ganoon kagandang nangyayari paniguradong may kasunod din na hindi maganda.

"Eyd, ayos ka lang?" tanong ni Migs na nakalapit na pala sa kanya.

Tumango naman si Adrian.

"Bakit nandito ka sa malayo? Gusto mo na ba umuwi?"

Umiling naman si Adrian.

"Hay naku, sumama ka sa akin. Doon tayo sa mga kasama natin. Hindi ka dapat babagal-bagal. Mauunahan ka pa ni Francis niyan."

"Huh?"

"Nakikita mo ba iyon?" tanong ni Migs sabay turo sa direksyon nina Sharmaine at Francis.

Nakaakbay nga si Francis kay Sharmaine at magkasama silang nagpapapicture sa mga tagahanga nila.

"Tara na!" sabi ni Migs sabay hila kay Adrian.

Habang palapit siya kina Sharmaine at Francis ay hindi niya alam kung nakakaramdam nga ba siya ng selos o hindi. Alam naman kasi niya kung ano ang talagang nararamdaman ni Sharmaine para kay Francis pero bakit parang may paninikip pa din sa kanyang dibdib?

"Paolo, group picture tayo," sabi ni Migs na isinama na din siya papunta kina Sharmaine at Francis.

"Makikisingit lang," sabi ni Paolo na sumingit nga sa gitna nina Sharmaine at Francis at ang ngiti sa kanyang mukha ay tila ba nang-iinis.

Sandali ngang nainis si Francis pero napawi din iyon agad nang may magpa-picture sa kanya.

"Dito ka, Eyd," sabi ni Migs na itinabi siya kay Sharmaine.

Napangiti naman si Adrian at ganoon din si Sharmaine.

"Okay, group pic!!!" sigaw ni Migs sabay tulak pa kay Adrian at ganoon naman din si Paolo.

Sa lakas ng tulak ng dalawa ay napasandal si Sharmaine kay Adrian at ang huli naman ay napaakbay sa una. Pareho silang pinamulahan ng mukha habang ang mga tao ay patuloy lang sa pagkuha ng picture sa kanila.

^#######^

"Nakakapagod pero ang saya," sabi ni Francis nang makarating sila sa azotea ng restaurant ni Migs. "Ang daming nagpa-picture sa akin. Maine, huwag kang magseselos, ah?"

Hindi naman siya pinansin ni Sharmaine. Humarap lang ito kay Adrian at may ipinabasa dito.

Labas tayo.

Nagulat naman si Adrian.

"Late na," sabi ni Adrian. "Baka mapagalitan ka ng Lola mo pag umuwi ka ng sobrang late."

In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon