Chapter 7
Nagulat si Adrian nang matapos ang mall tour niya ay sumalubong sa kanya sa backstage sina Sharmaine, Kuya Erwin, Aling Elena, at Baste. Lahat sila ay nakangiti sa kanya na tila ba ipinagmamalaki siya.
"Ano'ng ginagawa ninyo dito? Baka mabinat si Baste. Sinabi ko naman na hintayin na lang ninyo ako sa ospital," sabi ni Adrian na bagamat natutuwa sa kanilang pagpunta ay hindi pa din maiwasan na mag-alala.
Mabilis naman na nagsulat si Sharmaine sa kanyang notebook.
Sakto pagkatext ko kay Kuya Erwin, pinayagan na si Baste na makalabas ng ospital. At dahil maaga pa kanina ako na lang muna ang sumundo sa kanila. Huwag kang mag-alala. Inaalagaan ko silang mabuti.
"Alam ko naman kung gaano ka kaalaga," sabi ni Adrian na ikinapula ng mga pisngi ni Sharmaine. "Ayoko lang na napapagod kayo."
"Adrian, iho, ayos lang naman kami," sabi ni Aling Elena. "Eto ngang apo ko ay tuwang tuwa sa'yo."
Nahihiya man si Baste ay lumapit siya kay Adrian na tila ba sanay na sa kanyang inuupuang wheelchair at niyakap ng mahigpit si Adrian.
"Maraming salamat po sa pagtulong sa akin at sa Lola ko," sabi nito sa tainga ni Adrian nang lumuhod ito sa harapan niya.
"Wala iyon," sabi ni Adrian. "Basta iingatan mo lang palagi ang sarili mo para hindi ka na mabilis na magkakasakit."
Tumango lang naman si Baste saka humawak sa kamay ni Sharmaine.
"Tingnan mo sa sobrang pag-aalaga mo ay gustung-gusto ka na ni Baste," sabi ni Adrian na may ngiti.
Ngumiti lang naman si Sharmaine saka nagsulat muli sa kanyang notebook.
Boss, reporting for duty lang po. Saan na tayo pupunta?
Napangiti na lamang si Adrian saka marahan na itinulak ang wheelchair ni Baste patungo sa kanyang sasakyan.
^#######^
Dinala ni Adrian si Baste at Lola Elena sa build a home foundation kung saan volunteer siya.
"Salamat sa pagtanggap sa kanila, Gio," muling sabi ni Adrian.
"Ano ka ba naman? Maigi na nga na dito mo sila dinala. Sabi ni Aling Elena magaling daw siya magluto. Nasasabik na nga kami matikman yung mga iluluto niya bukas. Saka huwag kang mag-alala sa kanila. Ako ang bahala lalo na doon sa bata. Alam mo naman kung gaano ako kasabik sa anak. At hindi naman din mahirap magustuhan yung bata. Mahiyain lang pero mabait at magalang."
Napangiti naman si Adrian saka sinabing, "Bukas na lang ulit, Gio Magagalit itong P.A. ko kapag hindi ako nakatulog sa oras."
Mabilis naman na tumango si Sharmaine.
"Maine, salamat ah?"
Naguluhan naman si Sharmaine.
"Nakikinig kasi sa'yo itong si Eyd. Kaya salamat sa pag-aalaga mo sa kanya."
Ngumiti lang naman si Sharmaine saka nagpaalam kay Gio, Aling Elena, at Baste.
^#######^
Nagulat si Adrian nang mapansin na papunta sila sa restaurant ni Migs.
"Pinapapunta ba tayo ni Migs?" tanong ni Adrian na inilingan naman ni Sharmaine saka nagsulat sa notebook nito.
May ipapakita lang ako sa'yo.
"Ano?" tanong ni Adrian na nagtataka.
Hindi naman sumagot si Sharmaine. Hinawakan lang niya ang kamay ni Adrian saka hinila papasok ng restaurant.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...