Chapter 11
"Wow, Adrian, ang galing," sabi ni Ms. Aira nang sabihin niya na nakahanap na sila ni Sharmaine ng lead guitarist. "Kailangan na lang natin ng magaling sa keyboard."
"Hmmm... meron akong kilala pero hindi ko lang alam kung pwede siya," sabi ni Adrian. "Kakausapin ko na muna siya. Balitaan kita agad kung pwede siya o hindi."
"Sige lang," sabi ni Ms. Aira. "Natutuwa ako at sinusuportahan mo ang ideyang ito. Akala ko hindi mo magugustuhan maging bahagi ng isang banda."
"Paano ko ba naman matatanggihan ang mga kaibigan ko?" sabi ni Adrian. "Hindi ko pipigilan ang pangarap nila dahil sinusuportahan din nila ako sa lahat ng gusto ko. Pagkakataon ko naman na makabawi sa kanila pati na din sa inyo, Ms. Aira. Sana lang tangkilikin ito ng mga tao."
"Manalig lang tayo," sabi ni Ms. Aira na nag-uumapaw sa mga mata ang pag-asa kaya si Adrian ay lalo lamang napangiti.
^#######^
"Ano ulit, Adrian? Parang bigla akong nabingi, ah," sabi ni Migs nang mag-usap sila sa azotea ng kanyang restaurant kasama si Sharmaine at ang kaibigan nito na si Beatrice, si Francis na kababata ni Sharmaine, at si Paolo na bagong personal assistant ni Adrian. "Saka parang naguguluhan ako. Parang ang daming nangyari na hindi ko alam. Nakatulog ba ako ng matagal na panahon? Totoo ba lahat ng ito?"
Napangiti naman si Adrian bagamat nakakaramdam ng pagkakonsensya.
"Sorry, Migs," sabi niya. "Hindi na kita nabalitaan sa mga nangyari."
"Ayos lang iyon," sabi ni Migs ngunit mababakas pa din ang pagkainis sa kanyang mga mata. "Mukhang mabilis ang mga pangyayari sa buhay mo nitong mga nakaraang araw. Ang dami mo na agad nadagdag na kaibigan."
"Hindi niya ako kaibigan," mabilis na tanggi ni Francis. "Si Maine lang ang kaibigan ko at itong magandang kaibigan niya. Hi, Beatice."
Inirapan naman siya ni Beatrice at lumipat ng upuan. Umupo ito sa pagitan nina Migs at Sharmaine.
"Hindi tayo magkaibigan," sabi ni Beatrice na mukhang naiinis sa pagpapapansin ni Francis sa kanya. "Mas gugustuhin ko pa maging kaibigan itong sina Migs at Paolo at siyempre si Adrian. Picture tayo mamaya, ah?"
Napangiti naman si Adrian at saka tumango.
"Bakit ba gusto ninyo lahat iyan si Adrian? Mas gwapo naman ako diyan," tanong ni Francis na naiinis na din.
"Hindi hamak na mas mabait naman siya kumpara sa'yo," mabilis na sagot ni Beatrice na papatulan na sana ni Francis kung hindi lang sila inawat ni Paolo.
"Tumigil na nga kayong dalawa," sabi nito na tila ba naiirita sa ingay ng dalawa. "Adrian, kailangan ba talaga tayong lahat dito? Pwede mo naman kumbinsihin si Migs na kayo lang dalawa. Parang ang gulo tuloy ng ganito."
"Gusto ko kasi makita ninyo itong lugar," sabi ni Adrian. "Para kapag pumayag si Migs dito tayo unang tutugtog. Gagawin natin itong practice ground."
"Wow," sabi ni Migs na may pagka-uyam. "Ang dami mo na agad naisip. Akala ko ba ayaw mo magbanda? At ikaw, Sharmaine, akala ko ba ayaw mo ng tumutugtog sa harapan ng madaming tao? At etong si Paolo, kelan mo lang nakilala pinagkatiwalaan mo na kaagad. Tapos itong kaibigan mo na maangas isasama din natin? Gusto ba ninyo ng ganitong setup?"
"Hoy, kung ayaw mo sumali sabihin mo lang agad," sabi ni Francis na biglang nainis. "Madami naman kami mahahanap na magaling sa keyboard."
"Tama na yan," mabilis na sabi bi Adrian bago pa sila mag-away. "Migs, mag-usap na muna tayo sa opisina mo."
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanfictionSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...