Chapter 22
"Natutuwa ako na makitang magkasundo na kayo ni Paolo," sabi ni Lola Nida kay Mr. Richard na ngumiti lang. "At mas natutuwa ako na magkakasundo na ang mga bata. Ngayon ko lang napagtanto ang kamalian ng desisyon ko labingtatlong taon na ang nakararaan. Hindi ko dapat inilayo ang apo ko."
"Naging maayos naman din po ang lahat," sabi ni Mr. Richard saka tumingin kina Sharmaine at Paolo na naghahanda ng makakain at maiinom sa kusina katulong sina Lola Tin-Tin, Lola Tiara, at Lolo Jose. Tila lahat sila ay gustong maipaghanda si Adrian ng masarap na hapunan. "Salamat po at pinayagan na ninyo si Sharmaine na maging kaibigan ng anak ko."
"Richard, ako ang dapat magpasalamat sa'yo," seryosong sabi ni Lola Nida at muling napatingin sa kanya si Richard na may pagtataka. "Salamat sa pagpapalaki ng isang napakabuting bata. Hindi lahat ng tao gagawin ang ginawa ng anak mo para sa apo ko. Ngayon ko lang ito masasabi ng maayos sa'yo. Salamat sa pagliligtas ng anak mo at ng asawa mo sa apo ko. Salamat ng marami."
Ngumiti lang naman si Richard at hinawakan ang kamay ng naluluhang matanda.
"Pasensya ka na at nagiging emosyonal ako," sabi ni Lola Nida sabay punas sa kanyang mga mata. "Kapag malakas na ulit ang anak mo pumasyal kayo sa bahay. Gusto ko kayong ipaghanda ng masarap na hapunan."
"Salamat po," nakangiting sabi ni Richard. "Mukhang tataba ang anak ko sa inyo."
"Dapat lang," sabi ni Lola Nida. "Sa trabaho na meron siya dapat lang na malakas ang pangangatawan niya at makukuha lang niya iyon sa masusustansyang pagkain. Pasensya ka na at ginugulo namin ang kusina nitong si Adrian."
"Ayos lang po iyon," sabi ni Richard na muling pinapanood ang mga bago nilang kusinero at kusinera. "Siguradong matutuwa po si Adrian pagkagising niya."
"Makatulong na nga din," sabi ni Lola Nida at pumunta na din sa kusina.
^#########################^
Napangiti si Adrian nang makita niya si Sharmaine pagkabukas niya ng kanyang mga mata.
Good Evening!!!
Mabilis nitong isinulat sa hawak niyang notebook.
Lalo naman napangiti si Adrian saka tumingin sa bintana ng kanyang silid. Madilim na nga ang kalangitan.
"Kanina ka pa ba?" nahihiya niyang tanong kay Sharmaine na umiling naman at hinawakan ang kanyang kamay. Nakangiti siya ngunit may pagkabahala pa din sa kanyang mga mata.
"Sorry," sabi ni Adrian saka bumangon para yakapin ng mahigpit ang dalaga. "Pinag-alala na naman kita."
Umiling naman si Sharmaine at kinuha ang kanyang notebook pero pinigilan siya ni Adrian na magsulat.
"Bakit hindi ka na lang magsalita, Maine? Gustung-gusto ko na marinig ang boses mo. Sobrang miss ko na ang boses mo."
Niyakap naman siya ni Sharmaine at tinapik ang kanyang likod bago bumitaw para magsulat sa kanyang notebook.
Ayaw mo ba na ganito lang ako?
Isinulat ni Sharmaine at na may pagtatampo sa kanyang mukha.
"Namimiss ko lang talaga ang boses mo," sabi ni Adrian na muli siyang niyakap. "Pero kung ayaw mo na magsalita ayos lang naman din sa akin. Miss ko lang talaga ang boses mo."
Napangiti naman si Sharmaine saka hinawakan ang mga kamay niya at hinila siya palabas ng kanyang silid.
"Ayoko pang lumabas ng kwarto ko," sabi ni Adrian na bagamat medyo gumaan na ang pakiramdam ay inaantok pa din at nanghihina.
BINABASA MO ANG
In Another Place and Time (An Aldub Inspired Story)
FanficSharmaine was from a rich family. She would have had grown as normal as anybody else had she not experienced a traumatic experience when she was only seven years old. That incident caused her to lose her voice. It took her a long while to recover an...