Chapter 7: Confused

5K 135 1
                                    

"Teka pakiulit nga ng sinabi mo, nabingi yata ako eh."

Hindi makapaniwalang sabi ni Candice. Sino ba naman kasi ang mag aakala sa mga pinaggagawa ko diba. Kaya ito ako ngayon hindi masigurado kung masasabunutan ng bestfriend ko sa bahay niya, her room exactly.

"Bes, im serious." Sabi ko at yumuko.

"Anoooo?!?!" she hysterically.

Tinakpan ko agad ang tenga, incase na baka mabingi ako or worse haliparutin ng bestfriend kong baliw. Not my precious ears!

"Wag ka ngang sumigaw." Suway ko.

"Anong hindi!? Paanong hindi?! Eh yung bestfried ko na kilala ko nang limang taon eh nakipagkasunduin sa isang playboy na nagngangalang Jasper Keith Cervantes!! Ngayon sabihin mo na wag akong sumigaw!" Singhal niya.

Napairap na lang ako. Pwede niya namang hinaan ang boses niya. Hay nako! Hindi na ko magtataka kung bakit waang taong makikita sa loob ng bahay nila eh, baka nga mamaya pati mga gamit dito mabasag nang dahil sa boses niya.

"Tsk! Eh wala naman akong magagawa eh."

"Sino ba naman kasing hudas at pincio pilato ang nagsabi sayong ibigay mo yang perlas ng silanganan mo sa playboy na yun ha?!" Nakapameywang na tanong niya. Mas malala pa sa nanay ko to eh!

"Argh! Pwede wag na nating pag usapan! Kaya ko nga sinbi sayo lahat ng to para gumaan ang loob ko eh tapos yun pala madadagdagan lang."

"Sus! Ang sabihin mo nag enjoy ka!"

Agad namang uminit ang pisngi ko. Talaga bang dapat niya yung sabihin?! Pero bakit parang deep inside natutuwa ako-- waah!! Erase erase!!! Hindi maganda to Safrina! Control!!

"H-hindi no! Tumigil ka nga!"

"Ewan ko sayo Saf! Pero teka nga bakit ba kasi ngayon mo lang to sinabi sakin? And ano naman ang kinalaman niya sa internship mo?" She asked at umupo sa tabi ko.

I sighed.

Ewan ko ba kung bakit ang saklap ng tadhana. Halos mawalan ako ng hininga nang malaman kong pagmamay ari pala nina Jasper yung company na papasukan ko. At doon ko rin nalaman na doon siya magtetrain to be the next CEO. Kaya for sure magiging boss ko siya.

"Diba nga sabi ko family nila yung may ari nun."

"Yung Airline? Ngayon mo lang alam bes? Saan ka po nanggaling, halos lahat nga alam yun eh."

"Eh malay ko ba, hindi ko naman pinapansin eh."

"Eh akala ko ba stalker kanun dati, bakit hindi mo alam?" Tanong niya.

"Heh! Once lang yun okay, hindi naman ako tulad ng iba na kahit siguro brand mg brief niya alam ko!"

Pero nako hindi inaasahang nalaman ko yung brand. Bench yun eh! Ikaw ba naman ilang beses--- kyaaah!!! Tumigil ka Safrina!

"Tse! May nangyari nanga sa inyo diba, mas lamang ka pa sa pagiging stalker! So ano, magaling ba?" Nakangisi niyang tanong.

Mas lalong nag init ang pisngi ko. Pati pa ba naman yun kailangang tanungin?!

"A-nong klaseng tanong yan... tumigil ka nga!" I utter.

"Sus, i sure magaling yon playboy eh."

"Alam mo naman pala eh tinanong mo pa."

"Para makasigurado ano."

"Tse!" I hissed at binato sa mukha niya ang pillow.

"Aray!..Ay oo nga pala guess who's back!" Masaya niyang sabi.

"Sino?"

"Its Kuya Euson! He told me na next week na yung balik niya from the States. Diba niligawan ka niya nung high school pa lang tayo?"

Euson Xavier Zubel, he is Candice's cousin on the motherside. Its been 3 three simula nung huli kaming magkita. Doon kasi siya nagpatuloy ng pag aaral sa State and yes.. niligawan niya ko noon but hindi ko siya sinagot. Im not ready for that kind of responsibility back then.

"Bes lets just forget about it, tapos na yun." Sabi ko.

"Ikaw naman, kahit papano naging magkaibigan din naman kayo eh kaya dapat samahan mo kong sunduin siya ha!"

"Bahala na."

"Pero bes paalala ko sayo jan sa pinasok mo ha. Hindi madaling maattach sa pangalang Jasper Keith Cervantes. You have to face the consequences and mostly dont make yourself fall for him.

Halos naman mabilaukan ako sa sinabi ni Candice. Talagang hindi ako maiinlove no! Pero deep inside parang iba yung sinasabi ng tibok sa puso ko. Iniisip ko pa lang na may iba siya bigla kumikirot ng loob ko. Im so confused by this guy!

==============

After that day bumalik ako sa school for my last subjects, before kasi ng internship dapat matapos muna ang mga classes namin to make sure na wala kaming babalikan.

Papunta na sana ako sa building namin nang may napansin akong isang lalaki at babaeng naghahalikan sa sulok ng cafeteria. The guy's hand roam around tat girl's body. Halos nga maghubad na sila.

Then there i realized kung sino ng lalaking yun. Sino pa ba?! Agad na lang akong umiwas ng tingin nang biglang nahagipako ng tingin niya. I heard the girl groaned from him pero hindi ko na pinansin at naglakad na lang palayo.

Buong araw nasira ang buo kong sistema. I want to forget what i saw pero hindi ko magawa. Stop it Safrina! Remember his rules! You have no right to question him!

Hinintay ko na lang na matapos ang buong araw para makauwi ako. Ni wala akong naintindihan sa lecture ng prof namin kanina. My mind was blank, mabuti na lang at walang quiz dahil for sure bagsak ako.

Agad akong pumunta sa parking lot kung saan nakapark ang kotse ko. Bubuksan ko ko na sana iyom nang biglang may humawak sa kamay ko. I felt volt all over my hand.

Agad akong lumingon at hindi na ako nagulat na siya ang taong iyon. Blanko at seryoso ang mukha niya.

"What do you want?" Walang gana kong tanong at umiwas ng tingin.

"Are you avoiding me?" He asked.

Kumunot naman ang noo ko.

"No! I have no reason to avoid you." Babawiin ko na sana ang kamay ko nang mas hinigpitan niya ang kapit dito.

"Then why arent you answering my calls and texts?! Halos hindi kita macontact for two fvcking days! Alam mo namang--"

I cut him.

"Sorry, i forgot. Hindi ko naisip na kailangan pala ako ng laman mo. Next time just tell me." Malamig kong sabi. Yun naman ang gusto niya sakin diba? Tagapawi ng init sa katawan.

"Shit!" I heard him curse.

"Pero pwede wag ngayon. Im tired." Sabi ko at bumitaw na sa hawak niya.

Papasok sana ako ng kotse nang bigla siyang magsalita.

"Yung kanina... what you saw.."

"Dont worry, its nothing." I said at pumasok na ng kotse.

I sighef deeply before starting the engine. Habang nasa byahe nararamdaman ko ang isang pamilyar na kirot sa dibdib ko.

Ghad! Im so confuse!!!

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon