Chapter 12: Date?!

4.6K 123 4
                                    


**************

"Bes thank you sa pagsama sakin ha." Sabi ni Candice habang naglalakad kami sa mall.

"Nagthank you ka pa eh palagi naman eh." Sabi ko.

"Kaya love na love kita eh!" Candice sabay yakap sakin.

"Love pero hindi mo sakin sinabi ang tungkol sainyo ni Tri." Singhal ko.

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung party ni Demitri. Jasper amd I were still on the same routine. Wala namang nagbago eh. He is enjoying ourselves being fvck buddies. Pero ako naguguluhan parin, naguguluhan sa kung anong meron dito sa loob ko na hindi ko maintindihan.

"Eh sorry na Bes, kasi naman si daddy at mommy eh! Binigla ba naman ako, sabi may sasabihin dawna importante tapos yun pala ipapakilala na kung sino ang pakakasalan ko. Sa kasamaang palad yung unggoy na Demitri pa yung lalaking pinakilala nila!" paghuhuramintado niya.

I know magkakilala sina Candice and Tri since mga bata pa sila pero hindi sila close. Magkapitbahay sila noon and their parents were best of friends. Sabi pa ni Candice sa unang tingin pa lang daw kay Tri masasabi mong napakainosente niya, yung tipong mabait pero pagwala na yung parents nila para daw siyang demonyo sa kasamaan. Tri is Candices bully when they were kids hanggang sa nagmigrate sina Tri sa State sa ikinasaya naman ni Candice.

"Talagang ang parents mo pa ang sinisi mo jan sa pagkadislike kay Tri no."

"Eh kasalanan naman talaga nila eh! Since i was a kid alam kong gagawin na nila to sakin. Ang hindi kolang matake is si Demitri yung lalaking ipapakasal nila sa unica hija nila! They could choose between sons of Ayala, Madrigal or Sy but why that freaking Mercado guy!" Maktol niya.

Halos matawa ako sa pinaggagawa nitong bestfriend ko. Pinagtitinginan na nga siya ng mga tao dito sa Mall eh. Baka isipin pa nilang baliw to.

"Eh ngayon wala lang magagawa, nandiyan na yan eh. Just accept the fact that youll be marrying Tri. Kung sa tutuusin ang swerte mo nga eh, biruin ko mala demigod ang mapapangasawa mo."

"DemiGod? Ang sabihin mo demonyo. Demon siya sa kasamaan!"

Ewan ko ba sa babaeng to. Ang swerte niya nga eh , biruin mong nakatadhanang ikasal siya sa isang member ng Blazing Thunder na halos magkandarapa na ang mga babae.

"Eh kayo ni Jasper kamusta? May improvement na ba?" Tanong niya.

Napatigil naman ako sa paglalakad at tumingin sakanya.

"Anong kami? Wala namang kami eh."

And i agakn felt that weird thing inside of me. It feels like aching.

"You mean hindi pa kayo? Naku naman oh! I knew that guy is never serious to you. Pareho lang silang bestfriend niya!"

Napangiti na lang ako ng pilit sa sinabi ni Candice. Wala naman talagang dapat iexpect samin eh. Since day 1 hindi na sumagi sa isip ni Jasper ang eryosohin ang kung ano meron kami. He is just playing around. And unfortunately im the lucky person to played.

"Alam mo kumain na lang tayo. Im kind of hungry." Sabi ni Candice sabay hila sakin.

Nakarating kami sa Vikings Restaurant at agad na naghanap ng table for two. While busy pigging ourselves nakita kong natigilan si Candice.

"Bes may problema ba?" I asked.

"That effin jerk! What is he doing here?!"

Agad naman akong napalingon at nakita si Demitri kasama ng isang sexy na babae. Napatingin ulit ako kay Candice na halos durugin ang pagkain sa sobrang inis. Mukhang nagseselos ata ang bestfriend ko ah.

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon