Chapter 31: Star Studded

4.2K 116 5
                                    


His well toned structured that is oozong with sex appeal. Those hazel eyes that flicker in strikes of light from the bulbs. That signature smirk that always make my knees weak.

Akala ko kapag magkikita ulit kami ay hindi na ako makakaramdam ng kahit anong makakapagpabilis sa tibok ng puso pero nagkamali ako. Para gusto kong ihain ang sarili sa isang pain hanggang sa unti unti akong madudurog at wala ng matira sa kung ano ang meron ako na sa loob ng apat na taon ay sinimulan kong ayusin.

But i need to tighten my barriers. Sobrang sakit ng naramdaman ko noon at ayoko ng maranasan ulit ito ngayon. Natuto na ako sa mga nangyari. Tanga na nga siguro ako kung uulitin ko pa yun.

"Uhm Ate Zafrina." nakawala ako sa pagkatulala sa tawag ni Ellie. Napatingin naman ako sakanya.

"Diba siya yung CEO ng Crusades at isa sa mga investors sa project? Eh bakit hindi siya kasali sa shoot?" Ellie asked.

Maski ako man hindi ko alam. Akala ko nga patay na ang lalaking to eh pero nagpakita pa siya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iisipin. Alam niya ba na ako ang naghahandle ng project? Is this his plan?

"I dont know Ellie. Uhmm i guess i need to go. May gagawin pa kasi ako." I excused myself.

Gusto ko pa sanang magpaalam kina Xander pero mukhang busy sila. At ayoko ko din lumapit dahil nandoon siya.

Why do you still have this effect to me?

Jasper...



-----------------------

"Ms. Rina eto na po yung suit na gagamitin." Sabay lahad sakin ni Mia ng iaang leather coat na ako mismo ang gumawa.

"Para saan yan?" Takang tanong ko habang gumagawa ng mga sketches para sa next fashion week na gagawin sa New York.

"Eh para po ito sa Model nung Campaign kay Mr. Cervantes po--"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya.

"W-what do you mean?" I utter.

"Eh diba po sabi ni Sir Xander na hahabol daw po sa Campaign yung girlfriend ni Mr. Mercado at si Mr. Cervantes."

What the hell!!!! Bakit hindi ko alam to?!

"Akala ko ba yung babae lang ang hahabol? Bakit pati siya?!" Napatayo na ako sa sobrang inis at halatang nagulat si Mia sa kinilos ko.

"H-hindi ko po alam Miss."

Napasapo na lang ako sa noo at hinilot ang sentudo ko. Nasestress na nga ako sa trabaho pati pa ba naman sa ibang bagay masestress ako?! Oh ghad!

Nang kumalma ako ay agad akong tumawag kay Xander to clear things out. Im definitely not working with that Jerk! Hindi naman sa bitter ako or what pero ayokong sikmurain ang pagmumukha niya! Lalo lang bumabalik ang sakit na naramdaman ko noon.

Hindi pa man nagsasalita si Xander ay sinigawan ko na siya.

"Xander talaga bang gusto niyong pahirapan ako ha?! Okay lang sana kung sa trabaho to eh but its not! Sinasadya niyo ba talagang inisin ako o sadyang ang kikitid ng utak niyo at gusto niyo pang makipaglaro?!"

"What the hell are you talking about?" Painosente niyang tanong.

"Oh you know what im talking about, kaya wag ka ng magmalinis! Ano?! Inutusan ka ba ng magaling mong kaibigan na maging part siya ng Campaign?! O baka naman gusto niya lang ipamukha sakin ang katangahan ko?! Which part Xander dahil ingungudngod ko mismo sa mukha niya ang sagot!"

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon