Chapter 20: Enough

4.2K 121 5
                                        


Hindi ko alam kung ano ba ang masakit, yung masasakit na salitang binitawan niya sakin o ang mga slitang binitawan ng babaeng yun.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Wala akong karapatan para sa kahit anong reaksyon, lumabas na lang ako ng opisina niya at tahimik na naglalakad patungo sa desk ko.

Ni hindi ko magawang umiyak pero kanina ko pa gustong isigaw ang lahat lahat, kinokontrol ko lang ang sarili ko.

At dahil sa sobrang pagkalutang ay hindi ko namalayan na makalapit na pala sakin si Jane.

"Zafrina okay ka lang?" Tanong niya.

I faked a smile at tumango.

"Hay.. akala ko talaga ipinapasesante ka na ng boss. Ano bang sinabi sayo?"

"W-wala naman he just welcome me in the company... that's all." Pagsinungaling ko.

Napatango na lang siya.

"I see... Sige balik na ko sa trabaho ko." Then umalis siya.

Nang makaupo ako sa desk ko sunod sunod na text at tawag ang narecieve ko. Lahat puro nanggaling kay Jasper.

12 missed calls...

From: Jasper

Let's talk later...

From: Jasper

Dont think anything first.

From: Jasper

Ill explain everything... pls baby.

From: Jasper

Go to my pad later pls Baby.

Jasper calling....

Pinatay ko na lang ang cellphone ko at bumalik sa trabaho.

Wala akong panahon para sa mga kadramahan sa buhay. Hindi ako mahinang klase mg babae para iyakan at artehan ang lahat ng nangyayari sa buhay besides wala din naman akong karapatan kaya hindi ko na sasayangim pa ang mga luha ko.

Malapit na ang end ng working hours namin kaya agad kong inayos ang mga gamit ko. Napag isipan ko din buksan na ang cellphone ko at mabuti naman dahil hindi na nasundan pa ng text ni Jasper.

Baka naman busy siya sa babaeng yun?

But to be honest that girl screams perfection. She is very sophisticated pagdating sa damit at kilos niya. Halatang nanggaling siya sa ibang bansa. Pero hindi parin mawawala ang pagiging bitch sa itsura niya. Her face is strong at halatang hindi nagpapatalo sa kahit anong bagay.

"Hey Zafrina you want to join us, may bago kasing bukas na bar we want to celebrate." Paglapit sakin ni Jane kasama ang mga co-workers namin.

"Celebrate for what?"

"Sa new work at syempre para rin makilala ang isat isa." She said.

Nag isip na muna ako but still decided to join. Maybe i just need to loosen up a bit. Besides matagal tagalna din simula ng nakapagbar ako and i admit to miss the fun.


----------------------

Past 8 na nung nakarating kami sa Zark's Bar. The traffic was very heavy kaya kakarating pa lang namin.

We decided to find a round table that could fit 6 people dahil hindi lang naman kami ni Jane ang magkasama. We were with our co-officemate pero di tulad namin eh regular workers sila.

"Zafrina ano gusto mong inumin?" Tanong sakin ni Haley. Nasa Resource department siya nakaassign.

"Anything would do." Sabi ko na lang.

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon