Chapter 11: His Friends

4.7K 116 5
                                        

**************

Nakarating kami ni Jasper sa isang exclusive club sa Eastwood. Nasa parking lot pa lang dinig ko na ang napakaingay na music na nagmumula sa loob ng club at mga hiwayan ng mga tao.

"Let's go."

Huminga ako bago kumapit sa braso ni Jasper atsaka naglakad papasok sa Club. Sinalubong kami ng daawang bouncer it tinanong ang pangalan. Agad nilang hinanap sa guest ang pangalan ni Jasper atsaka kami pinapasok.

Mukhang exclusive ang buong club na ito para lang sa party tulad ng birthday ko mas wild nga lang ito at karamihan ay mga lalaki. Medyo kinabahan ako dahil siguro sa wala akong makilala ni isa sa mga bisita. Mukhang naramdaman naman iyon ni Jasper dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Relax baby, the celebrant is sitting there." Sabi niya sabay turo sa isang mesa kung saan nag iinuman ang grupo ng mga lalaki. Halos buong football members ang nakaupo doon at may kasamang mga babae ang karamihan sa kanila. Well, playboys.

Lumapit kami sakanila kaya napatingin sila samin.

"Yow Jas wazzup men?!" Tumayo si Julian at nakipagmanly hug kay Jasper.

"Hi Saf!" Bati niya sakin.

"H-hi."

Mukha yatang alam na nila ang tungkol samin ni Jasper. Kung sabagay they are Jasper's friend kaya siguradong alam nila. Eh halos nga magkapareho ang mga bituka nila pagdating sa mga babae.

"I can see you already know Julian and some of my friends." Jasper said.

I just nodded. Nandoon din si Zander and other members pero hindi ko na kilala.

"Uhm hapoy birthday demitri." I greeted.

"Thanks and no need to call me formally, just call me Tri." He humbly said.

Umupo kami ni Jasper sa magkatabing vacant seat. Ngayon ko lang napansin ang babae sa tabi ni Tri. Nakayuko siya at tahimik. Hindi ko siya gaanong makita dahil sa dim disco lights pero nararamdaman kong kilala ko siya.

"Hey, you okay?" Jasper whispered.

"Yeah..." binaling ko na lang ang ulo ko sakanya.

"So what do you want? Cocktail, beer or me?"

"Wooooo!!!"

Napamulahan naman ako sa hiwayan at sinabi ni Jasper. Lanyang lalaki to oh! Dito pa piniling humarot!

"A-h eh.. ako na lang kukuha." Wala sa sariling sabi ko.

"Okay, just bring me some scotch double." He said.

Tatayo na sana akonang bigla niya akong pigilan and immediately kissed me in front of his friend. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa.

"Yun oh! Nakascore ang loko!" Hiyaw ni Julian.

Napaawang ng bibig na lang ako at agad na umalis para kumuha ng inumin. Nang makabalik ako i heard them laughing and making some crack jokes. Inilapag ko sa harap ni Jasper ang inumin niya at umupo na sa tabi.

Napansin ko ulit ang babaeng katabi ni Tri na kanina pa umiiwas ng tingin. Sino ba to?

"Demz sino nga pala yang kasama mo? Pakilala mo naman." Sabi ni Kurt.

"Oo nga naman Tri, ikaw ang danot mo talaga." Sabi naman ni Austin.

Napangisi naman si Tri atsaka binaling ang tingin niya sa babaeng katabi.

"Well she's my date."

Hinarao ni Tri samin ang babae at ganon na lang ang pagkagulat ko.

"Meet Candice Rodrigo."

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon