Chapter 8: He's Back

4.8K 130 4
                                        

"Bes hurry up!!!" Sigaw ni Candice habang tumatakbo papunta sa Arrival ng NAIA 3.

Kung ako halos hangalin na sa kakalakad siya naman halos madapa na sa kakatakbo. Kung bakit kasi napili pa ng magaling kong bestfriend na magpark sa malayo! Halos isang kilometro ba naman ang layo. Jusko!!!

Hindi ko na lang pinansin ang sigaw ni Candice at naglakad na lang. Kung bakit kasi sumama sama pa ko dito. Hindi naman sa bitter ako or what pero naiilang lang kasi ako.

Euson Xavier Zubel is one of my best of friends. Nagkakilala kami dahil kapitbahay namin noon ang tita niya besides from being schoolmates. Naging mas close lang kami because of Candice.

Senior year na ko sa high school when he said he'll court me. Bata pa ko nun at inosente sa love kaya hinayaan ko lang siya, months after nun nagdecide na kong ibasted siya dahil ayoko siyang umasa. I know it broke him. Nalaman ko nalang nagmigrate na siya.

"Ang tagal mo naman bes! Mamaya mawala pa si Euson dito eh."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Ang OA mo rin ha... ano feel mo dun bata? Atsaka ano naman kung hindi natin siya maabutan eh marunong naman yung umuwi."

"Eh bakit ang nega mo jan? Hay nako! Basta dapat magpakita siya satin. 3 years din kaya siyang hindi nagpakita. Talagang sasabunutan ko ang lalaking yun eh!" Sabi ni Candice.

Umirap na lang ako at umupo sa bench sa gilid. Nakakastress naman to! Ilang minuto din kami sa paghihintay sa darating na unggoy galing States. Mabuti nga at pinasakay pa siya eh. Bawal kaya ang animals sa eroplano. Sana nga hinulog na lang siya sa Africa eh! Kainis!

"Kyaaah!!! Ayan na siya!" Tili ni Candice.

Napatayo naman ako at lumapit sakanya. Nakatingin siya sa pintuan ng Arrival kaya napadako din doon ang tingin ko.

Lumabas ang isang lalaking nakashades, blacksleeve at pants. Nakita ko ang mga reaksyon ng ibang tao especially girls na halos bumagsak ang pangang nakangiti sakanya.

"Waaah!! Euson!" Agad na tumakbo si Candice at niyakap yung unggoy.

"Langya ka Euson! Bakit ngayon ka lang nagpakita?!" Tanong ni Candice sabay batok. Habang ako naman pinagmamasdan lang sila.

"Candice naman, kadarating ko lang eh batok agad. Hindi mo ba ko namiss?" Paglalambing niya. Ganon parin pala siya malambing, gentleman at sweet.

"Aheem.."

Nabalik lang ako sa huwisyo nang naramdaman kong nasa harap ko na siya. Tinanggal niya ang shades niya at ngumiti sakin.

"Saf.."

"Euson.." bulong ko.

"Kamusta ka na?" He asked.

"O-okay lang." I utter.

Ramdam ko ang tensyon saming dalawa. 3 years ko siyang hindi inisip at nakita. Wala kaming naging connection kaya hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko.

"Hep hep... tama na yang drama niyo jan, gutom na ko eh!" Sabi ni Candice sabay hila saming dalawa.

Pumunta kami sa isang malapit na restaurant, manlilibre daw ang unggoy eh. Itong si Candice naman daldallang ng daldal. Putulin ko dila nito eh. Pero si Euson kanina ko pa napapansing sumusulyap sakin.

"Teka guys ha, cr lang ako." Paalam ni Candice that leaves the two of us alone. Nakayuko lang ako at pinaglalaruan yung tissue sa harap hanggang sa nagsalita siya.

"Saf.."

"H-ha... A-ano yun?"

"Uhmm wala naman, si Xantine kamusta na? Si Tita Len?" Tanong niya.

"Theyre fine... nagseparate na kasi ako sakanila."

"I see, sorry kung nabigla ko kayo sa pag uwi ko. Si Dad kasi gustong dito nako magtapos para daw makapagtrain na rin sa company." He said.

They owned the famous Zubel Empire. One of the largest company in Asia.

"Aahh. Eh si Elaine bakit hindi mo kasama?" I asked.

Elaine is his little sister, one year younger than him. Kaedad ko lang siya and we use to hang out nung high school pa lang kami. She is very simple and friendly.

"Susunod daw siya eh, she's just finishing her school."

Napatango na lang ako. Pero nabigla ako nang hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa.

"Saf, i know galit ka nung umalis ako. I didnt intend to left without you knowing it." he apologized.

Babawiin ko sana ang kamay ko pero humigpit ang hawak niya dito.

"I-its okay Euson, wala na sakin yun." Iwas ko.

"Pero alam kong nasaktan kita, gusto kong bumawi Safrina. I still care for you. Mahal pa rin kita." Natigilan ako sa sinabi niya.

Magsasalita pa sana ako nang biglang may isang taong dumating sa restaurant. Halos tumalon ang puso ko nang nasigurado ko kung sino siya. Gusto kong itago ang sarili ko sa ilalim ng mesa. But its too late.

Mas nabigla na lang ako nang nakita kong papalapit siya mesa kung saan kami nakaupo. Napatingin na din sakanya si Euson. Agad akong tumayo.

"Jas--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang hinalikan niya ako.

Napapikit na lang ako and feel his kiss. Hinapit niya ang beywang matapos niya kong halikan.

"How's my baby?" He asked.

Napansin kong napaiwas ng tingin si Euson at napakuyom ng kamay. Habang ang isang ito naman ay nakangisi habang hapit ang beywang ko.

"Jas.." i said.

"Sorry kung natagalan-- Jasper?!" Gulat sa sabi ni Candice.

"Hi! Sorry to interupt but kinakamusta ko lang to baby ko." Jasper said.

Napataas naman ang kilay ko sakanya pero hindi niya iyon inintindi.

"Ah eh... s-sige upo ka." Candice utter.

Umupo naman si Jasper sa tabi ko. At hindi pa nakontento at mas inilapit yung upuan niya sakin at umakbay. Ano bang plano niya?

Napatingin si Jasper kay Euson.

"So sino siya?" He asked.

Nagkatinginan naman kami ni Candice.

"Oh yeah.. Jasper si Euson nga pala kaibigan namin ni Saf from States." Pakilala ni Candice.

Mas ngumisi naman si Jasper.

"Hi, im Jasper Cervantes. Safrina's boyfriend..."

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon