Chapter 30: An/Un- expected

4.1K 112 8
                                    


Ring.... ring....

Agad akong napabangon sa tunog ng cellphone ko. Gustuhin ko mang balewalain ito pero kanina pa siya tumutunog at sinisira ang tulog ko.

"What?!" Singhal kong pagsagot.

"M-maam nasaan na po kayo? K-kanina pa po kayo hinanap ng mga tao." Tarantang sabi ni Mia.

"Tsk. Ano bang meron ngayon at parang magwawala ka?!"

"E-eh maam ngayon na po yung photoshoot diba. Kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Xander."

Mabilis namang nanlaki ang mga mata ko at pinatay ang telepono. When i looked at the clock mas lalo akong naghysterical. Agad akong tumakbo papasok ng banyo at agad na naligo.

My goodness Zafrina! How could you forget?!

"Mia... pakisabi kay Carter na siya muna ang bahala diyan ha... dont worry im on my way." Sabi ko sa phone.

Halos isang oras na lang kasi at magsisimula na yung photoshoot. Nakakahiya na nga at late ako. And i dont want them to disappoint lalo na si Miss Murry and especially Roberto Cavalli himself.

Habang nasa byahe napaisip ako. Sino kaya ang magiging model sa photoshoot?

Tss. Duh! Syempre yung client! Pero sabi ni Xander may mga kasama siya. Hindi kaya silang apat?

Schreeeech......

Napahinto agad ako nang makitang nakaRed ang signal ng traffic.

I deeply sighed and close my eyes.

Relaz Zafrina, hindi yun mangyayari. Its all in the past now. Eh ano naman kung kasama siya, nakamove on ka na! Matagal na yun!

Parang gusto kong isampal ang mukha ko. Aist! Nakakainis!




"Miss Rina! Naku mabuti po at dumating na kayo!" Salubong sakin ni Mia na humahangos.

"Eh kasi po Miss Rina kanina pa kayo hinahanap ni Sir Xander. Mukha nga pong masama ang timpla. Hindi naman namin malapitan sa sobrang takot. Baka po kasi masigawan lang kami." She explained.

"Sige dont worry ako ang kakausap sakanya. Ihanda niyo na lang ni Carter ang mga kailangan sa shoot. Yung mga models ba okay na?" I asked.

"Yung nga din po ang problema eh. Si Sir Xander na lang daw po ang magsasabi sa inyo."

Tumango na lang ako.

"Sige pupuntahan ko siya." Then i left.

Ang sabi sakin ng mga empleyado nandoon daw siya sa venue ang photoshoot. Tapos na kasi siyang bihisan at hinihintay lang yung mga kasama niya.

"Xander!" Tawag ko.

Napalingon naman siya.

"Im sorry im late--"

Wala pa akong normal breathing ay pinatigil na niya ako sa pagsasalita.

"Its okay, we have a problem. Yung isang suit kailangan irepair at the last moment. Hindi kasya sa modelo."

"What?!"

"Eh Xander if we will repair the suit madedelay ang photoshoot. I already told you diba na kapag may problema agad mong sabihin para maparaanan." Dagdag ko pa.

Sumingkit naman ang mga mata niya at mataman akong tinititigan.

"So its our fault? Sino ba ang nalate sa pagpunta dito ha?! Edi sana kung kanina ka pa nandito eh alam mo na ang mga nangyayari! Its your job as a designer to know everything about your model and the dress! Akala ko ba gusto mo ng perfection, bakit ngayon yata hindi ko yun makita." Bulyaw niya sakin.

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon