Chapter 16: New Classmate

4.4K 118 4
                                    


"Uyy tulala ka jan?" Biglang sabi ni Candice.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa library mg school para gumawa ng defense sa thesis namin. Dapat muna kasi namin yun tapusin bago magOJT.

"Wala noh, tapusin mo na lang yang ginagawa mo." Sabi ko na lang.

Kahit ako hindi ko din maipaliwanag ang nangyayari sakin. Simula ng bumalik kami galing sa Zambales gumulo na ang isip ko. Ewan ko ba, idagdag pa ang halos isang linggong hindi ko nakikita si Jasper. Gusto ko sanang tawagan o itext siya pero natatakot ako, alam ko naman kasing wala akong karapatan sakanya tulad ng pinagkasunduan namin.

"Siya nga pala bes, meron daw tayong bagong classmate at balita ko hot daw!" Kinikilig na sabi ni Candice.

"Mas hot kaysa sa fiancee mo?" Asar ko.

Naningkit naman ang mga mata niya.

"Pwede wag mo ngang banggitin ang lalaking burara na yon!" Inis niyang sabi.

"Burara??" Takang tanong ko.

"Eeeh! Kasi naman si Daddy eh! After naming magZambales pinatira na talaga kami sa iisang bahay! My goodness akalain mo bang inisip nila na tinanan ako ng unggoy na yun! Tapos kaninang umaga itapon ba naman sa mukha ko yun boxers niya! Tingin mo okay ba yun?!"

"Shhhh..." agad namang natahimik si Candice sa pagsuway ng librarian. Napalakas kasi ang boses niya.

"Hinaan mo nga yang bibig mo, atsaka diba last week pa kayo pinagtira bakit ngayon mo lang sakin? At wag ka ngang OA if i know nagustuhan mo naman." Sabi ko.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo bes! Akala mo lang inosente ang lalaking yun pero ang totoo sobrang haba ng sungay sa ulo!"

"Hayy nako ewan ko sayo, baka naman mamaya niyan mainlove ka dun, sige ka."

Bahagya naman siyang natigilan at namula.

"O-ofcourse not! Hindi yun mangyayari no!"

Palihim na lang akong tumawa. Hindi man aminin ni Candice alam kong may gusto siya kay Tri. She is just hiding her true feelings. Siguro takot lang din siyang mamahal tulad ko.

After namin sa library ay agad kaming bumalik sa classroom. Hindi pa man kami nakapaspk ay dinig na namin ang ibat ibang tsimis sa loob.

"Huy girl gwapo daw yung transferee natin."

"Oo nga eh, i saw him kanina. He is a greek god!"

"I bet he's a good lover."

"And a casanova."

Hindi na lang namin pinansin at umupo sa assigned seats para hintayin si Prof. Makalipas ang ilang minuto at dumating ang Prof namin na may kasama sa nakasunod sa likuran niya.

"Good day class." Bati ni Prof.

Agad na nanlaki ang mga mata ko nang mapagtamto ko kung sino ang kasama ng prof namin. Dinig ko ang bawat bulong ng mga kaklase kong babae nang makita nila kung sino qlang taong yun.

"As we all know we have our tranferee here. Why dont you introduce yourself Mr.--"

"Im Euson Xavier Zubel..."

================

Halos hindi ako makapagconcentrate sa lesson namin. I can feel him looking at me. Kahit nasa likod ko sa grabeng intense yung nararamdaman ko. Simula noon ganon talaga ang epekto ko sakanya. Mas lalo ngayong tumindi since yung nangyari nung high school.

"Okay class we will continue our discussion next week and also prepare for a quiz." Sabi ni Prof. atsaka umalis.

"Euson!!!" Hindi na ko nagtaka kung sino yun. Obviously its my bestfriend.

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon