Chapter 19: That Girl

4.3K 125 6
                                        


"Himala bes nagyaya kang magmall ah." Sabi ni Candice sakin.

Wala naman kasi akong gagawin ngayong weekend. I need to loosen up, away from everyone. Away fromJasper.

Its been days simula nung nakita ko ang text ma nareceive niya. Pagkatapos nun ay nabagabag na ako. Umuwi ako sa condo kong may dalang pangamba aa dibdib ko.

Ito na ang matagal kong kinatatakutan. Ang mahulog sa kanya at maiwang basag at luhaan.

"Feel ko lang. Bakit masama?" Mataray kong tanong.

"Tss, oo na. Bat ba ang sama ng timpla mo. Meron ka?" Tanong niya.

"Tss." Yun na lang ang nasabi ko.

Pagmataray meron agad? Hindi ba pwedeng mataray lang talaga ako. Psh! Besides irreg ako no. Minsan every other month ako dinadatnan kaya normal lang na hindi ako dalawin.

"Teka kamusta kayo ni Tri? May progress ba?" bigla kong tanong sakanya. Agad naman siyang sumimangot.

"Hayaan mo nga ang malanding yun! Wala akong pake sakanya. Magsama sila ng kabayong babae niya!" Pabulong niyang sabi.

Gusto kong matawa sa reaksyon niya. Halata talagang nahuhulog na siya kay Tri hindi niya lang inaamin sa sarili niya. Nagmamanhid manhid pa kasi eh.

"Uhh bes si Jasper yun diba." Sabi ni Candice sabay turo sa isang lalaki na may kasamang babae.

Nakaangkla sa braso niya ang isang babaeng hindi ko kilala. Maganda siya at halatang sophisticated dahil sa tindig at postura niya.

Pero ang mas ikinabigla ko ay ang paghalik sakanya ni Jasper sa labi sabay ngiti dito. Yung mga ngiting ni minsan hindi niya ibinigay sa akin. Yung tunay na ngiti na walang halong pagloloko.

Biglang nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Pakiramdam ko ay pasan ko ang buong mundo sa mga nakita ko. Ang sakit.

"Bes okay ka lang?" Doon lang ako nabalik sa katinuan.

Agad kong pinunasan ang tumakas na luha sa mga mata ko at ngumiti ng pilit kay Candice.

"O-oo im fine." i utter atsaka lumakad na. Agad namang sumunod sa likuran ko si Candice.

"Hoy sigurado ka? Halatang hindi eh." Sabi niya pero hindi ko siya pinansin.

"Alam mo bes, kahit naman hindi totoong kayo may karapatang ka ring masaktan kasi yun yung nararamdaman mo. Mahal mo yung tao eh."

Napakagat labi na lang ako sa sinabi ni Candice.

May karapatang nga akong masaktan pero ang tanong hanggang kailan ba ako masasaktan?

............................

Its been days...

Ngayon na ang umpisa ng Internship namin. Kaya papunta na ako ngayon sa Company nina Jasper. Nasa Airline department ako naka assign kaya malaki ang pasasalamat ko dahil hindi kami masyadong magkikita ni Jasper kahit alam kong dito din siya nagtetraining since siya naman ang tagapagmana ng company.

"Good morning Ms. Herrer welcome to Crusades Airlines." Sabi sakin ng assnt ni Ms. Lean.

Nasa meeting daw kasi siya kaya yubg assnt niya na lang muna ang bahala sakin.

"Good morning din po."

"Come ill show you your table. May mga kasama din po kayong ibang mga interns sa department. You will all be observed by the supervisors and will be ranked from the best to the worse. The company is not tolerating favorotism kaya lahat kayo ay fair." Pag explain niya sa akin.

Playboy's Principle (Playboy Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon