Kabanata 2 - Mayonnaise Sa Ibabaw

5K 157 38
                                    

Kabanata 2
Mayonnaise Sa Ibabaw

Hinila ako ni Filan papasok pero binawi ko agad ang kamay ko. "Baka isipin pa nilang kasama kita."

Nag-make face siya sa'kin, "Nahihiya kang kasama mo ako? Don't be shy, c'mon, don't be shy." Puno ng panunuya ang boses niya kaya ang sarap niyang sapakin!

"Ikinahihiya kita. 'Wag kang mangarap! Pasalamat ka pa nga at hindi sampal ang inabot mo sa'kin kanina!"

Ngumiti siya ng matamis, "Taray talaga oh." Inirapan ko na siya at nagpaanod sa mga tao rito. Dumiretso na ako sa couch na hindi pa occupied. I ordered vodka to the waiter. Sayang 'yung beer ko sa stool counter kanina! Blame that nasty guy!

Lumibot ang tingin ko sa paligid nang mapansing halos lahat ay nakatutok ang atensyon sa stage kung saan naghahanda ang isang banda. Nang sumampa sa stage si Filan ay doon na nagsimula ang mga hiyawan, at ang pinakamalala at nakakarindi sa lahat ay ang mga tilian ng mga babaeng patay na patay yata sa kanya.

I wonder what did they see on Filan? Manyakis na nga, feeling ko malibog pa! Teka... pareho lang 'yun hindi ba?

But okay fine, he's drop-dead handsome! Igala ko man ang paningin ko sa ibang lalaki, ni wala pa yata sila sa kalingkingan ni Filan. Litaw na litaw ang kagwapuhan niyang taglay sa silid na ito. He's such a lucky jerk!

The crowd keeps on chanting something. It's Jailan Pariawill. I don't know what it is. Maybe the name of the band?

"Namiss niyo ba ako mga Babyloves?" Muntik ko nang maibuga ang ininom ko. Gusto ko ring ibato ang boteng hawak ko kay Filan! Sa mukha niya para masaya!

Ang presko! Ano daw? Babyloves? Anong kalokohan 'to?

Nagtilian nanaman ang mga under the sea creatures. Seriously, bakit sila kinikilig sa kutong-lupang 'to? Hindi ko talaga mahanap ang sense.

Sinukbit na niya ang electric guitar at nagkaroon nanaman ng panibagong palakpakan. May mga sumisipol rin at tingin ko'y para naman ito sa dalawang babaeng kasama sa banda. Grupo sila ng lima. Mukhang matitino lahat, maliban talaga kay Filan.

May tumabing lalaki sa akin at umamba pang aakbay pero sinamaan ko ng tingin. "Huwag ako. I'm not interested."

"Makikipagkaibigan lang, Miss." paliwanag pa niya.

"Go to infierno." Tumayo na siya't umalis sa sinabi ko. Lasing na ako pero walang magbabago. I hate boys.

I know right? I get it. I'm such a man hater. Ewan kung bakit, siguro dahil may hugot akong hinanakit sa pamilya ko, sa tatay ko. Or baka ayaw ko lang talaga sa mga lalaking tulad non. Kabisado ko na ang mga ganoong klase. They're not up for friendship. Tanga na lang ang mag-iisip na sincere sila sa ganon.

Tulad ni Filan, kahit hindi mo siya kilala, alam mo na kung anong klase siya ng lalaki. I don't know how I easily conclude things, may lahi yata akong manghuhula. Or maybe, this is just what we call being wise especially now in 21st century.

"For the ones who just came in here, let me introduce myself..." ani Filan bago simulang tumugtog.

Nagsimula ang musika. Ang isang babaeng nakasalamin at naka-bun ang buhok ay nasa drums.

Ang isang babae namang mahaba ang tuwid na buhok ay nasa piano keys.

Ang dalawang lalaki ay may sukbit ding guitars, pero si Filan ang nakasentro at hawak ang mic stand. Sumenyas ang banda sa audience at nagsimula rin silang sumigaw.

"Oh yeah!" Tatlong beses 'yon. Palagay ko'y parte iyon ng kanta. Hindi ko kasi alam kung anong kanta ang tumugtugtog ngayon.

I'm an angel with a shotgun...

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon