Kabanata 24 - Hold Again

2.6K 100 9
                                    

Kabanata 24
Hold Again

I seriously don't know now what kind of guy Filan really is.

He always makes himself available to girls but he's fond of me too. Bakit hindi niya ako laging nakakaligtaang gawan ng effort?

May playboy bang ganon?

Hindi niya man nga siguro ako pinaglalaruan, pero pinaglalaruan niya naman ang isip at emosyon ko.

Hindi ko na alam.

Bubuksan ko pa lang ang regalo ay may pumarada na sa tapat. Pagpasok niya sa aking bahay ay naka-Santa hat pa siya at may sukbit na parang Santa bag rin na may lamang kung ano.

"Hohoho, Merry Christmas!" Parang tanga pa niyang bungad. Natawa na lang ako.

"Akala ko umalis ka na."

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka nakakausap syempre." Nilapag niya ang dala-dalang... puno? Ano 'to Christmas tree?

Nagkatitigan kami. He still looks like a drop-dead god even when wearing a ridiculous Santa hat.

"Oh, wala bang hug kay Santa?" He spreads his arms in front of me.

This is what I'm talking about. His signals make me confused. I don't know if I'll go, stop, or be ready for whatever this is.

Pagod ko lang siyang tinaasan ng kilay. "Ano ba 'yang dala mo? Christmas tree? Para saan?"

Bumagsak ang mga kamay niya. "Sabi ko nga, wala akong yakap na matatanggap." Pailing-iling pa siya na parang batang nagtatampo.

Our eyes leveled when he bended slightly in front of me, "Magtatayo tayo ng Christmas tree dito. Okay ba?" Maaliwalas ang kanyang ngiti.

A smile that will always find a way to poke my heart. I'm whipped! No way!

May mga ornaments pa at ilang decorations akong nakita. "Magde-decorate tayo ngayon kung kailang Pasko na? Eh tatanggalin din 'yan in few days."

"It's not too late, Honey." Tumaas-baba ang kilay niya at lumabas ulit.

May kinuha siyang malaking box sa kanyang pick-up. His muscles flex and I freaking saw those bulks and veins! Is he getting sexier or I'm just getting myself insane?

Nang mamalayan ko ay isang malaking flat screen TV! Namilog ang mata ko. "Bakit may dala kang TV? Don't tell me bumili ka lang niyan para din sa araw na 'to? Teka, will you stay?"

Binaba niya ang TV sa sahig. "Balak ko na talagang palitan 'yung TV ko sa condo. Tutal kabibili ko lang, dito na natin unang gamitin. I brought CDs for us to watch today."

Busy na niyang inun-box ang TV at pansamantalang inalis ang TV ko sa sala saka niya nilagay 'yung kanya.

"I'll be staying, Honey. Papaalisin mo ba ako?" Sabi niya iyon habang inaayos naman ang DVD player na kakonekta ng sa TV.

Papaalisin ko ba siya? Will I let him stay? But he looks so ready to stay...

"I don't look like I have a choice." Masungit kong sabi. He chuckled and faced me. Nag-iwas ako ng tingin.

"Honey bee, pakikuha naman ng ibang gamit sa pick-up." Walang imik akong nagmartsa paalis pero hinigit niya naman ako. "Ako na pala, mabibigatan ka."

Siya na nga ang lumabas. I hate what he's doing! Inis na inis na ako!

Grocery bags ang dala niya. Pinaghandaan niya yatang talaga ang araw na ito. At sa itsura niya, he's staying here for the whole day. It means that I'd be stuck with him too.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon