Kabanata 38 - Gumuho

2.1K 91 59
                                    

Kabanata 38
Gumuho

"I refuse," two words with indifferent and cold tone came out from him.

He left us all shocked. He walked out of the lobby and I immediately followed him even though I'm still discombobulated with what just happened.

Hindi ko akalaing masasagot ni Filan ang kanyang lolo sa loob lang ng tatlong segundo. Three tension-filled seconds embraced the atmosphere before he broke the silence with his answer. And he just answered no to them! Mas hindi ko pala akalaing kayang magdesisyon ni Filan nang ganon kabilis at hindi ko maintindihan kung bakit.

Surely, I hate his family. I dislike his father. I loathe his brothers. And I completely despise his step mother. But my hate for them for not accepting Filan at first doesn't mean that I don't want them to accept Filan anymore, now or in the near future. It's actually my in denial wish. Gusto ko pa ring makitang tanggap na siya ng kanyang pamilya at itong pagkakatiwala sa kanya ng isang kumpanya ay isa ng magandang pagkakataon para sa pagtanggap na 'yon!

Hinigit ko siya sa braso kaya wala siyang nagawa kundi harapin ako. Natigil kami sa labas ng ospital.

"This is your chance to be accepted by your family! But you just let it slip away! You came up with a decision just three seconds after an opportunity knocked on your door?! Are you nuts? Plus, your grandma is comatose! She needs you!"

Kumunot ang noo niya sa pagtaas ng boses ko. Marahil ay ngayon alam na niyang tutol ako sa naging desisyon niya.

"Three seconds like my three reasons, Hon. Unang una, hindi ko deserve 'yon dahil para sa kanilang lahat at simula't sapul pa lang, saling pusa lang ako sa pamilyang 'to. Pangalawa, ayoko ng gulo at inggitan na naman sa'ming magkakapatid. At pangatlo..." bahagya pa siyang naputol sa sinasabi at tumitig na sa akin.

"What? Kasi ayaw mo lang talaga? Tumatakas ka sa responsibilidad-."

"Panghuli, kapag tinanggap ko 'yon mawawalan na ako ng oras sa'yo. I don't want that, Honey."

Napaawang ako ng bibig. Bahagya akong nanggigil. Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba 'to o ikayayamot lang! "Talagang isinali mo pa ako sa mga desisyon mo? This isn't a time for some cheesy shits, Filan! This is serious business! Maging mature ka nga! Ano ba 'yang mga naiisip mo ha?"

Nagbuntong-hininga siya. "Haven't you seen the looks on my brothers' faces? Lalo na kay Blademir! Sumagad lang lalo ang galit sa'kin ng isang 'yon! At si kuya Sand, kitang-kita ang hindi niya pagpabor sa desisyon ni lolo! Isang kahangalan 'yon, Honey! Kabaliwan lang! Hindi talaga nila pwede ibigay 'yon sa'kin. Babagsak lang ang kumpanya! Pwede namang si Canon na lang o Pius. At least sila, purong dugo!"

"Bakit ano ka ba? Half-blood? Kalahating tao, kalahating hayop? Filan naman! Para kang tanga!"

Nanahimik siya at umigting ang panga. He's becoming furious now. Sige subukan mong magalit sa'kin! Bubugahan kita ng apoy! Nakakainis na nakakagigil 'tong lalaking 'to kahit kailan.

"Hindi naman 'yan bibigay sa'yo nang basta-basta! For sure if your lola's awake, she'd give you the company as well. Hindi 'yan ipagkakatiwala sa'yo ng wala lang. They entrusted you the company because they want you in that position! Your lolo is actually feeding you the chance to prove yourself worthy to the rest of your family because he wants you to be accepted by everyone! Just like how he and your lola accepted you! This is your chance dyan sa matagal mo nang dinadaing na acceptance! Akala ko ba matapang ka? Bakit ngayon umuurong ka sa magandang pagkakataon? Mag-isip ka nga!"

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon