Kabanata 21 - Triple F

2.6K 90 9
                                    

Kabanata 21
Triple F

"Hello, Jet-Jet? Anong gamot sa tonsillitis at sipon?" Iyon agad ang inatupag niya pagdating namin sa aking apartment.

Humiga agad ako sa kama at siya nama'y tinawagan ang isa niya pang kapatid na nag-aaral ng Medisina.

"Oo, kahapon lang sumama ang pakiramdam niya. Napainom na siya ng sa lagnat. May puting maliliit na spots daw sa tonsils. Iyon ang diagnosis sa kanya ng... Kakilala ko." Naghanap siya ng papel at ballpen saka isinulat doon ang tingin ko'y sinabi ni Georgette.

Pumikit na ako dahil hindi ko na talaga kaya. I seriously need enough sleep. I'm tired physically, mentally, and emotionally. Nagrerebelde na ang katawan ko sa akin. I need to rest for real.

Umuga ang kama na batid ko'y gawa ng pag-upo niya sa aking tabi. I didn't open my eyes. I pretended to be asleep. For once, let me sleep! Please lang utang na loob.

"Honey, hindi pwedeng bumili ng gamot na 'yon ng wala daw reseta ng doktor." Hindi ako sumagot, malapit na akong makatulog. "Damn, dadalhin na talaga kita sa ospital."

"No! I hate hospitals!" Daing ko.

"Ang tigas ng ulo mo."

"Wala namang malambot e." Nagtaklob na ako ng kumot.

"Honey bee naman! Nagpapakamatay ka ba talaga?"

"Kung may balak magpakamatay ang isang tao, bakit patatagalin niya pa? 'Di ba mas madali kung tumalon siya sa bangin, magpasagasa siya, uminom ng lason, or saksakin niya ang puso niya. 'Di ba?"

Matalim ang tingin ni Filan. Wala siyang bakas ng pagbibiro o tuwa. "You're sick! Paano ka gagaling kung wala kang iinuming gamot?"

"Itutulog ko nga lang 'to. Mawawala rin ito mamaya. Sige na, umuwi ka na." Humiga ulit ako at tumalikod sa kanya.

Pero bigla niya akong hinatak at hinarap sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at unti-unting inilalapit ang labi niya. What the heck?

"Anong gagawin mo? Hoy!" Tinutulak ko siya pero malakas siya masyado. Dagdag pang nakahiga ako kaya mahirap ang pwersa.

"Hahalikan kita para maipasa mo sa akin ang sakit mo. Para gumaling ka na."

Hinampas ko siya sa braso. Kulang na lang iumpog ko 'tong matigas kong ulo sa kanya. Napakaimposible niya talaga! "Please Filan, just please, please let me sleep."

Mahina siyang nagmura. "Okay, I'll find a way." Tumungo siya na parang sobrang frustrated.

My body's knocked out so I fell fast asleep.

Nagising na lamang ako sa matinding init at pawis na naramdaman. Pagmulat ko'y nakita ko si Filan na nakayuko sa gilid ng aking kama, na para bang nakatulugan niya ang pagbabantay sa'kin. The sun is already up!

Kinuha ko sa aking noo ang malambot na telang bahagyang basa. Mukhang inilagay niya ito sa akin kagabi pa. Hinila ko ang kamay kong pinapatungan ng kanyang kamay at agaran siyang nagising dahil doon. Wrong move.

"Honey, gising ka na." He immediately touched my forehead. "Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"

Ikaw yata dapat ang tinatanong ko niyan, Fai.

I nodded. He heaved a deep sigh na tila nabunutan ng tinik sa lalamunan. He rendered me speechless for a moment.

Hindi na siya umuwi at talagang binantayan niya ako magdamag?

I suddenly want to touch his cheeks. Iyong magkabilang sampal ng bruhang 'yon sa kanya'y nakataga pa rin sa isip ko.

Pinakain niya muna ako. Bumili siya ng pagkain sa labas at ngumiwi ako nang makitang puro putaheng may gulay ang binili niya. But then he forced me to eat because I need it to be healthy. Yeah right!

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon