Kabanata 35 - Home

2.4K 104 24
                                    

Kabanata 35
Home

I want to burst out but I feel so numb. Igib nang igib ng luha ang mga mata ko pero kapag gusto ko na itong pakawalan, para bang tinatangay na lamang ng hangin ang mga ito para huwag nang dumaloy pa at makita ng iba.

I'm under the feeling like your heart is breaking but it can't be completely broken because it became frozen on a sudden. Tumigil. Tumigil para hindi ko na maranasan ang napipinto pang sakit na laan kong maramdaman dahil nakasakit ako ng iba.

Nayukos na ang papel sa pagkuyom ng aking kamay rito. Hindi na ako nahirapang magpaliwanag at makipaghiwalay kay Shawn pero bakit ganito pa rin kasakit?

He's been a family me to me. Lalo pa noong mga panahong wala akong maituring na mga magulang, bukod sa mga pinsan ko'y siya lang ang kinokonsidera kong pamilya. Ang hindi ko lang napagtanto bago ko siya sagutin noon ay baka bilang pamilya lang pala talaga ang turing ko sa kanya. Kaya ganito na lang rin ako kung masaktan. He's a family. He's close to my heart. Sa kanyang pag-alis ay para akong naulila. Sa kanyang desisyong dumistansya na muna sa akin ay para akong napilayan. I lost a bestfriend. I lost a brother. I lost a family.

Kaya siguro hindi ko siya magawang pakawalan noon. Because I am selfish. I have this fear of losing people. I have a fear of losing a family. This was nourished within me ever since my mom and dad separated. I was born this way. A girl who doesn't want to be alone, but always ends up being alone.

Nang ipinarada na ni Will ang sasakyan ay inayos ko agad ang aking sarili. Mabilis at pasimple kong pinahid ang mga tumakas kong luha. I think Jastrine noticed me but chooses to stay silent. And I couldn't be more thankful enough to her for not asking.

Tinago ko ang papel sa aking bulsa bago kami tumulak na papasok sa bahay. Pag-apak ko pa lang sa dambana ng sala ay napukaw agad ang atensyon ko ni Filan na nasa ikalawang palapag at may hawak na gitara.

Sa second floor ay overlooking itong buong sala kaya nakatingala ako sa kanya. Sa magkabilang tabi niya ay si Paolo na may sukbit ring gitara at si Rian na nakaupo naman sa beatbox.

Unang pagkalabit pa lang ni Filan sa gitara'y parang kinalabit na rin ang puso ko. Nabaon na ang mga paa ko sa kinatatayuan. Hindi ako makakibo. His stare is pinning me still on the ground. I cannot move.

When he started singing, I am hypnotized once again.

"Natapos na ang lahat
Nandito pa rin ako
Hetong nakatulala,
Sa mundo, sa mundo..."

Ngayon ko lang ulit siya narinig kumanta. Ever since he confessed to me, I heard that he stopped singing. Huminto siyang pansamantala sa pagkanta kasama ang banda. Kung kakanta man ang Jailan Pariawill ay hindi siya kasama. Ang unfair ko kay Shawn, pero mas naging unfair pala talaga ako kay Filan.

I'm probably the worst woman in the world right now. At siguro'y may mas isasama pa ako kung hihilingin kong huwag na sanang magising si Filan sa kanyang pagmamahal sa akin. Sana ay huwag na... dahil handa na ako. Handa na ako para sa kanya.

"Hindi mo maiisip
Hindi mo makikita
Mga pangarap ko
Para sa'yo, para sa'yo..."

I hope it's not too late. I pray that we could now happen. I wish that his love for me still never fades. Because I'm finally ready. I'm ready to hear his dreams and share my future with him.

Find a Way or Fade AwayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon